Prologue

378 14 0
                                    

••

Bella's P.O.V.


"Mama! Ayokong maiwan dito!" sigaw ko kay Mama habang lahat ng tao ay nagpa-panic na sa nangyayari.


Ang bagay na hindi ko inaasahang magkakatotoo, Ay talagang mangyayari nga. Ang mga zombies ay nag-eexist.


Ginagawa ng mga tauhan ng gobyerno pati na rin ng pulisya at mga militar ang lahat upang mailigtas ang mga Pilipino. Ganun din sa ibang bansa. Halos lahat ng tao ay natatakot sa posibleng mangyari at higit sa lahat, Hindi sila sigurado kung makakaligtas pa ba kami sa panganib na dulot ng mga zombies na ito.


"Walang hihiwalay anak. Walang maiiwan." matigas na saad ni Papa dahil halos hindi na din mapakali si Mama sa pag-aasikaso ng mga gamit namin.


Ang lahat ng ito ay nagsimula dahil sa isang scientist. Si Dr. Rewil Wilson lll. Nadiskubre niya ang formula na maaaring bumuhay ng patay at nangyari nga. Ngunit dahil sa kasakimang taglay niya, Dahil sa hangarin niyang masakop ang mundo, Yumaman, Galangin at Kilalanin ng lahat, Hindi na niya naisip ang magiging epekto nito sa sangkatauhan.


Nang malaman niya ang formula, Sinuri muna niya ito ng maigi at sinubukan sa mga hayop. Nagtagumpay siya, Nagawa niya. Pero, Ang ka-dimonyohan niya ay mas lalong lumawak at eto, Pati sa mga tao ay itinurok din niya sa pamamagitan ng patagong galawan.


Hanggang ngayon ay hindi pa din mawari ng mga awtoridad kung paano nila susulosyunan ang epidemyang ito. Halos kalahati na ng populasyon ng mundo ang nahahawaan at nakakagat ng mga zombies na ito kaya't nahihirapan silang gumawa ng mga hakbang dahil maaaring buhay din nila ang maging kapalit.


Lahat ng tao ay may pangamba sa pamilya at nangyayari sa mundo. Maging ako at ang pamilya ko. Halos ang iba ay naiiyak na lang dahil hindi din sila makapaniwala sa nangyayari sa mundo. Bakit may mga taong handang gawin ang ganitong bagay upang yumaman at maging makapangyarihan?


"Bilisan niyo!" sigaw ni Papa habang ini-start ang kotse.


Patungo kami ngayon sa lugar na sinabi ng gobyerno sa balita. Ligtas daw doon at protektado dahil hindi basta-basta ang mga bagay pamproteksyon ang gamit doon. Mabuti na lamang at hindi ganoon kalayo sa lugar namin ang pook na iyon kaya't may posibilidad na makaligtas kami.


Halos sunod-sunod na pitada ang ginagawa ni Papa dahil halos nag-cause na ng traffic ang mga taong nag-uunahan. Hindi ko mawari at hindi ko kayang tingnan ang mga kotseng ngayon ay gutay-gutay na at maraming bahid ng dugo. May mga tao din sa loob non na wala ng buhay.


"Makakarating tayo roon," saad ni Mama sa dalawa kong nakababatang kapatid na naiiyak na sa sitwasyon namin ngayon.


Niyakap silang dalawa ni Mama para pagaanin ang kalooban nila. Alam kong hindi sapat iyon pero napaka-espesyal na noon sa talambuhay namin dahil yakap iyon ng aming ina. Sana lang ay hindi iyon ang huling yakap na aming madadama mula sa mga magulang namin.


"Tangina! Tumabi kayo!" sigaw ko mula sa bintana.


Zombie Apocalypse✔Where stories live. Discover now