Chapter 17

103 6 0
                                    

••

Bella's POV

"Asan si Dan?" tanong ni Lukas.

Si Dan na naman ang hinahanap nitong isang ito. Parang hindi nagkita kanina.

"Andun sa kusina. Nagluluto." Sabi ni Aiden.


Ewan ko ba kina Aiden at Fiona at hindi pa nila sabihin sa lahat na sila ng dalawa. Lahat naman siguro ay boboto sa kanila. Kagaya naman kanina ni Lukas, Parang wala lang sa kaniya nung sinabi kong sila na ngang dalawa.


Bakit ba hindi ko naitanong iyon kanina?

"Psst!" nabalik ako sa huwisyo ng mag-psst si Zach.

"B-Bakit?" tanong ko.

Ako ata ang inaano nila.

"Bakit ka tulala?" tanong niya sa akin.

"Masama bang matulala?" pabalang kong sagot sama tumabi sa tabi ni Klarence.


Sa tabi na lang kasi ni Klarence bakante ang upuan kaya napilitan akong dito na lang umupo. Hindi sa gusto ko huh. At kung dun naman ako sa tabi ng iba naupo, Siguradong sa tabi ni Klarence pa din nila ako ipagtutulakan.


"Nga pala, Dahil nandito na din naman kayo. Mas mabuting simulan na natin mamayang gabi ang pagbabantay." Sabi ni Klarence.

Umakbay naman sa akin ang putangina at saka nagngising-aso. Hinampas ko ang braso niya.

"Bakit?" inirapan ko siya.

"Ayan napapala mo sa kasasama kay Fiona eh." Sabi nito.

Agad namang nag-react si Fiona. Siyempre, Narinig ang pangalan niya.

"Excuse me?!"


Tinawanan lang siya ng iba. Pati ako ay napatawa na din. Grabe talagang magreact ang isang Fiona eh ano? Ang OA din niya kasi minsan. Minsan nga, Magugulat ka na lang na basta-basta ka na lang niyang sisigawan kahit wala ka namang ginagawa.


Ganun din naman ako minsan. Pero minsan lang yun, Hindi 'yun counted.


"Iniisip ko pa lang, Iaantok na ako." Si Caleb.

Matalim siyang tiningnan ni Klarence.

"Joke lang!" sabay peace-sign.

"Malapit na bang maluto yung niluluto ni Dan?" tanong ni Lukas habang hawak-hawak ang tiyan niya.

Napairap na lang sa kanila si Klarence.

"Ah, Guys. May gusto sana kaming sabihin sa inyo ni Fiona." Saad ni Aiden kaya napatingin kami sa kanila.


Sasabihin na ba nila na may relasyon silang dalawa ni Fiona? Kung ako sa kanilaay mas gugustuhin kong sabihin sa kasamahan ko na may relasyon sila. Mas ang magiging madali hindi lang para sa kanila ang gumalaw dito kundi pati na din sa amin.


"May naiisip na akong bagay na sasabihin niyo sa amin. Nais ko lang kumpirmahin." Saad ni Klarence saka umupo ng ayos at hinintay ang sasabihin ni Aiden at Fiona.

Hinawakan ni Aiden ang kamay ni Fiona at saka nagsalita. OMG! Sasabihin na nga nila?

"Kami na ni Fiona." Agad nag-react ang mga gago habang si Klarence ay napangisi na lamang.

Zombie Apocalypse✔Where stories live. Discover now