Epilogue

185 10 0
                                    

A/N: Thank you po sa pagbabasaaaaa!!! Muah!

••

Bella's P.O.V.

"Nakita niyo ba si Klarence?" tanong ko sa mga kasamahan ko na nakikipagyakapan na sa mga kamag-anak at kakilala nila.

"Ate Bella, Asan na si Kuya?" tanong ni Ben na akay-akay ko.


Kanina ko pa siyang hinahanap kasabay ng paghanap ko sa pamilya ko. Binabalot na ako ng kaba na baka hindi sila naging normal.

"Hindi ko pa napapansin eh." Sabi ani Zach na nagmamasid na din.

Napatingin ako kay Ben nang kalasin niya ang kamay niya sa pagkakahawak ko. Taka ko siyang tiningnan.


"Bakit?" tanong ko sa kaniya.

"I need to pee." Sabi nito.

"Sige, Magpasama ka na lang sa kuya Zach mo. Hahanapin ko pa ang pamilya ko tsaka ang kuya mo." Sabi ko dito at tumango naman siya.

Pumunta siya kay Zach. Busy si Caleb sa pakikipag-usap sa mga pulis at sundalo habang nakaakbay sa isang babae.

Ang aga naman niyan Caleb...


"Tsk, Asan na ba kayo?" wala sa sarili kong tanong.

Nahagip ng mga mata ko ang mga pamilyang nag-iiyakan. Siguro ay ngangayon na lang ulit sila nagsama-sama. Tss... Gusto ko na ding makipagyakapan alam niyo ba yun?

"Ba't naman wala pa siya?" tanong ko sa sarili ko na parang baliw.

Ilang tao na ang nababangga ko dahil kanina pa akong hanap ng hanap. Hindi man lang ba siya nag-abala na hanapin ako. God! Magtatampo na ako. Biro lang.


"Bella?" napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. "Bella, Anak!" sigaw ni mama saka ako niyakap.

Ganun din ang ginawa ng mga kapatid ko pati ni papa. Sa wakas ay nakita ko na silang muli. Ang tagal ko din silang na-miss. Sulit talaga ang paghihirap na naranasan ko.

"Na-miss ko kayo." saad ko habang yakap sila.

"Proud na proud kami sa'yo,nak." sabi ni papa bago kumalas sa pagkakayakap sa akin.


I gave him smile saka muling tumingin kung saan-saan. "Sino ba ang hinahanap mo, anak?" tanong ni papa nang mapansing hindi ako mapakali.

"Kasi po uhm, May hinahanap po akong ano... Kaibigan." sabi ko.


Nagtatakang tumingin sa akin si mama. "Ba't parang pansin namin... Hindi lang ito simpleng kaibigan." sabi nito sa akin habang tinataas-baba ang kilay.

"Ang totoo po kasi niyan ano... Uh-"


"Boyfriend niya po ako tita." napatingin ako sa nagsalita sa likod ko. Halos mabaliw ako nang mapagtanto kung sino ito. Medyo madumi pa ang damit niya at hawak-hawak sa kamay ang makulit niyang anak.


"Nice to meet you po tita, tito." sabi nito sabay lahad ng kamay sa mga magulang ko.

Bwisit talaga itong lalaking ito. Parang hindi cold magsalita minsan. Sobrang sweet niya ngayon, nakakainis. Mas lalo akong nafa-fall sa kaniya.

"At sinong may sabing boyfriend kita?" mataray kong tanong sa kaniya.

Tinawanan niya ako. "See? Napaka-unromantic po ng anak niyo, tita." sumbong niti sa mga magulang ko kaya hinampas ko na.

Zombie Apocalypse✔Where stories live. Discover now