Chapter 9

113 5 1
                                    

••

Lukas's P.O.V.


"Hoy Lukas tangina ka!" pagmumura sa akin ni Dan habang patuloy na tinutuyo ang sarili niya.

Ayan, Hindi kasi kaagad maligo. Ako tuloy nagligo sa'yo.

"Sinabi ko naman sayong maligo ka!"


Ambaho mo! Nahahawaan ako ng germs mo. Eeww...

"Maliligo ako gago! Wala pa lang tubig. Inubusan mo ako hangal!" sambit niya habang dinuduro-duro ako.


Nakita namin si Klarence na mukhang bad mood pa din dahil sa kasama niya si Fiona. Naks! May chicks hehehe. Hindi man lang nag-alok. Kung ayaw niya kay Fiona, Sana nagsabi siya sa akin. Bibigyan ko siya ng ka-chat.

Marami pa naman akong ka-chat. Ang se-sexy mga pre!


"Maligo ka na nga! Bilisan mo." sabi ko kay Dan.

"Takte!Wala ngang tubig diba? Hoy Caleb. Papasukin mo ko diyan. Nagpi-pipti-pipti buhay ko dito!" sigaw ni Dan sa may pinto ng kwarto ni Caleb.

Ilang segundo pa bago namin marinig ang sagot ni Caleb.

"Mga alipunga kayo! Masisira ang buhay ko sa inyo. Wag kayong papasok dito!" pakinig naming sigaw ni Caleb mula sa loob.


Isa pa 'yung si Caleb, Madami din sigurong chicks 'yon kaya palaging nakatuon ang sarili sa laptop niya.


"Eh saan kami matutulog mamaya? Utak mo tol nasa talampakan!" sigaw ko.

"Hoy gago! Talampakan mo nasa ulo!" sigaw niya pabalik.


Ay teka! Minamaliit niya ba yung kagwapuhan ko? Yun na yata ang pinakamalaki niyang pagkakamali sa buong talambuhay niya.


"Oh tol! payag ka nun? Talampakan mo daw nasa ulo HAHAHA." pang-aasar ni Dan

"Grabe kayo! Parang hindi mga kaibi-"

"Oy Zach!" tawag ni Dan kay Zach kaya napalingon din ako kay Zach na kagagaling lang sa kwarto kung saan pumasok si Bella kanina.

Wait ,asan si Bella?


"Asan si Bella lods?" tanong ko sabay akbay sa kaniya.

Aakbay din sana si Dan kay Zach pero agad kong hinawi ang kamay niya.

"Problema mo?" takang tanong ni Dan.

"Huwag kang humawak kay Zach! Hindi ka pa naliligo. Madami kang germs!" sabi ko habang bahagyang inilalayo si Zach sa kaniya.


Eewww, Maligo ka muna. Yikes.

"Nahiya naman ako sa'yong isang linggong hindi naligo at nagmukmok sa kwarto dahil lang sa natalo kita sa ML. Ulol!"

Ay, Nanlalaglag amputs.

"Wag mo nang ibalik ang nakaraan tol. Pass is pass. Never been back. When BTS have comeback. Bella will say, Aba! Welcome back!"


"Hoy gago. Lagot ka dun HAHA,"

Lagot daw ako eh tinatawanan niya din. Tsaka, Totoo naman. Army si Bella Bwahahaha.

Zombie Apocalypse✔Место, где живут истории. Откройте их для себя