Chapter 11

113 8 0
                                    

••

Bella's P.O.V.


"Hayaan mo na yun, May topak siguro." sabi ni Caleb.

Nandirito na naman ako sa kwarto nina Caleb kasama si Lukas, Dan, Aiden at si Ben. Kasama pati si Caleb siyempre. Naglalaro si Lukas at si Ben kaya busy silang dalawa.


"Tangina. Hindi na ako uulit." sabi ni Dan

"Uulit ng?" tanong ni Aiden habang nakahalukipkip sa kama nina Caleb.

"Yung pagsasabon ng sabong panlaba. Takte."

"Tatanga-tanga eh ano." sabi ni Aiden saka pinikit ang mga mata.


Tumalon naman si Dan patungo sa Kama at tinabihan si Aiden saka yumakap dito. Hinayaan na lang ito ni Aiden, Halatang sanay na sa inaasta ni Dan 'tong isang 'to kaya hindi na nagrereklamo.

"Ano yan? Harapang pagtataksil! Ganiyan ka na talaga Dandararandandan! Ang bababoy niyo!" sabi ni Lukas saka humawak sa dibdib na animo'y nasasaktan.

Sunod-sunod na katok ang sumira sa asaran ng mga 'to. Binuksan ni Caleb ang pintuan at tumambad sa amin ang half-naked na si Zach.

Napalunok naman ako, Jusko. Minus 10 ako sa langit nito. Kung bawat umaga ko lang naman 'tong makikita, Solve na ang almusal ko dahil sa pandesal niya, Shems! Palaman na lang ang kulang.


"Bakit tol?" tanong ni Caleb kay Zach.

"Wala, Masamang pumasok?" sabi niya at saka pumasok sabay tabi sa akin.

Naku po! Dito tayo magiging zombie nito.

Pinagpapawisan na ako ng malamig, Jusko! Hindi ko kakayanin 'to. Nababaliw na ata ako. Panay ang lunok ko ng sarili kong laway. Bawal tumingin, Nakakamatay.


Pero Lord, Help me. Inaakit ako ng pandesal niya. Hindi ba pwedeng kape nalang? Omoooo....

"Ayos ka lang, Bella?" tanong sa akin ni Zach nang mapansing tahimik ako.

Naku, Eto na. Makukulong na ako. Guilty!

"H-Huh? O-Oo, Ayos lang ako." sabay pilit ng ngiti.


Mas pipiliin ko pang magpakaplastik kay Fiona kaysa sa ganito. Hindi ko ata kakayanin 'to. Baka bigla na lang akong mahimatay dito. Naku, Naku!


"Asus! Hindi nga." si Lukas mandurugas yon.

"May naaamoy akong isda." sabi pa ni Dan.

"Sarili mo siguro yon." sabat ni Dan dahilan para magtawanan kami.

Malalakas na katok galing sa pinto ng kwarto ang bumulabog sa amin. Ano ba naman yan! Kakakatok lang ni Zach tapos may kakatok na naman.


"AIDEN!" sigaw ni Fiona mula sa labas kasabay ng sunod-sunod na pagkatok.

"What?!" iritadong tanong ni Aiden.

"Babe!" saway ni Dan.

"The fvck, Dan!" sabi ni Aiden.

"Mga taksil." sabi ni Lukas.


Sabay kaming napatampal sa noo ni Zach, Pati din si Caleb napailing-iling na din.

"ASAN ANG PANTY KO?!" sigaw ni Fiona,

Zombie Apocalypse✔Where stories live. Discover now