Chapter 1

224 8 0
                                    

••

Bella's P.O.V.


"Mukhang buhay pa siya." pakinig kong saad ng isang tao.


Alam kong lalaki ito dahil halata sa boses nito. Pinilit kong buksan ang namimigat na talukap ng aking mata upang tingnan kung sino ang taong nagsalitang iyon. Tama ang hinala ko, Lalaki nga ito. Mga nasa pitong kalalakihan sila at lahat ay may itsura.


Mukha naman silang hindi Zombie dahil halata namang normal sila.


"Aray!" sigaw ko nang maramdaman ang sakit ng likod at braso ko.


Huwag naman sana akong mabalian. Mahihirapan akong makagalaw nito.


"Shhh..." sinenyasan niya ako ng silent at saka lumingon sa paligid "Huwag kang maingay." sabi ng isang lalaki saka ako inalalayang tumayo.


Ramdam ko pa din ang sakit ng likod ko na wari'y tinutusok ito ng daan-daang pako.


"Buhay siya!" pabulong na sigaw ng isang bata.


Ngayon ko lang napansin na batang lalaki pala ang isa sa kanila. Siguro ay nasa pitong taong gulang pa lamang ito. Kahit na masakit ang likod at ulo ko ay pinilit ko pa ring alalahanin ang mga nangyari kanina bago ako mapunta dito sa Convenient store.


(FLASHBACK)


"Papa. Lahat tayo makakaligtas. S-Sabihin mo iyan please?"


Naramdaman kong mas lalo niyang hinigpitan ang kapit sa mga kamay ko. Ayoko nang bumitaw pa sa mga kamay na ito. Pakiramdam ko, Ligtas at protektado ako sa mga kamay na ito. Yung araw-araw na may gigising sa'yo at sasalubungin ka ng maiinit na yakap at matatamis na halik.


"Bella, Gusto ko mang palakasin ang loob mo pero, Hindi din kaya ni Papa. Hindi din niya alam ang gagawin niya. Patay na patay na siya sa loob at sinusubukan niyang lumaban para sa inyo." saad niya bago tingnan ang mga kapatid ko na ngayon ay yakap-yakap ni Mama at pinatatahan.


"Papa..."


"Mahal na mahal kita, Bella. Prinsesa ko."


"Mahal na ma-"


Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang may sumalpok na sasakyan mula sa likuran ng sasakyan namin. Dahil sa napakalakas na impact ay napahiwalay at napatalsik ako papunta sa isang convinient store. Nabitawan ko ang mga kamay ni Papa.


"Mama... Papa..." saad ko bago tuluyang ipikit ang aking mga mata.


(END OF FLASHBACK)


"Papa!" halos paos kong saad saka pinilit na tumayo ngunit agad din akong napaupo dahil sa sakit na nararamdaman ko mula sa likod ko.

Zombie Apocalypse✔Where stories live. Discover now