Chapter 16

102 5 0
                                    

••

Bella's P.O.V.

Narito kami ngayon sa kwarto ng mama ni Zach. Malinis pala sa gamit ang mama nito dahil halatang-halata sa mga muwebles. 'Yun nga lang, Nakakahiya namang hawakan dahil baka masira ko. Wala akong pambayad.

Si Fiona at si Ben lang ang kasama ko dito sa kwarto ngayon dahil nasa kabilang kwarto yung iba. Hindi ko sigurado kung kwarto ba 'yun ng Papa ni Zach o kwarto niya. Patuloy naman sa paglalaro ng robot itong si Ben. Maiwan na siguro lahat, Huwag lang ang robot na yun.


"Ano kayang pinag-uusapan nila?" wala sa sarili kong tanong.

"Nagpaplano sila. Hindi muna dapat tayo makialam." Saad ng nakahigang si Fiona.

Oh wow! Hindi siya nagtataray ngayon. Dapat na ba akong magpamisa. Isa itong himala.

"Matagal mo na bang kilala si Klarence?" tanong ko sa kaniya.


Hindi ko alam pero basta-basta na lang iyong inilabas ng bibig ko. Minsan, Wala din talagang preno 'tong bibig kong 'to.

"Uhm, Oo. Matagal na. Since Elementary i guess." Sabi niya.


Matagal na nga.


"Gusto mo ba siya?" mabilis kong tanong.

Hindi ko alam pero parang may mali sa nasabi ko. Nasasaktan ako kapag tinatanong ko yun. Baka kasi, Yung inaakala kong sagot niya ay iyon nga ang maisagot niya.

"Uhm, Oo... Dati." Sabi niya.

"Dati?"


"Oo, Noon. Pero ngayon hindi na. Napagtanto ko din kasi na kahit anong gawin ko, Kahit na ipagpilitan ko ang sarili ko sa kaniya, Hinding-hindi pa din niya ako magugustuhan. Ipinagkasundo na kami ng mga magulang nami't lahat,Wala pa din. Hindi pa din niya makayang masuklian ang pagmamahal ko."


Hindi ko maintindihan pero parang nasasaktan ako para kay Fiona. Mahirap naman talagang magmahal lalo na kung hindi ka mahal pabalik nung taong gusto mo. One-sided love still so hard.

"Kaya nga, Mas pinili kong tatagan ang loob ko sa pagbabaka-sakaling isang araw, Gusto na din niya ako. Makita niya yung efforts ko. Pero, Mali ako. Never niyang nakita yun." Sabi pa niya.


Mabuti at hindi siya naluluha sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung naka-move on na ba 'tong isang 'to o sadyang manhid lang talaga siya. Mas pinili ko na lang ding manahimik at makinig na lamang sa ikinukwento niya. Kahit na gusto akong sumabat ay walang anumang salita ang lumalabas sa bibig ko.


"P-Paano ka nakamove-on?" tanong ko sa kaniya.

Yun na lang ang tanging salitang lumabas sa bibig ko. Ang hirap pala talaga ng sitwasyon niya ano?


"Nakamove-on ako nung may nakapansin ng mga efforts ko. Nagawa ko ding suklian ang pagmamahal niya dahil alam kong mahirap ang magmahal ng taong 'di ka kayang mahalin pabalik. At isa pa, Hindi siya mahirap mahalin. Handa niya akong ipaglaban at protektahan na hindi naipadama sa akin ni Klarence."


Agad akong nagtaka sa sinabi niya. Sa gitna ng zombie apocalypse?

"Sino yung tinutukoy mo?"

Zombie Apocalypse✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon