Chapter 12

109 5 0
                                    

••

Bella's P.O.V.

Ack! Goodmorning. Ngayon na ang birthday ni Klarence! Sa wakas. Nandito ako ngayon sa kusina kasama si Dan. Kaming dalawa ang nag-aayos ng ihahanda maya-maya. Nililibang naman ni Zach at Ben si Klarence ganun din si Caleb sa pamamagitan ng paghahanap nila sa golden blood type.

Potek naman kasing Golden Blood Type yan, Pinahihirapan kami ng husto. Hindi ba pwedeng magpakita na lang siya kaagad okay?


"Saan ba ilalagay 'to Bella?" tanong ni Lukas na hawak-hawak ang mga lobo.

"Lukas! Ang icing naman!" suway sa kaniya ni Dan.

"Grabe, Ang bilis mo namang magselos. Tinitikman ko lang naman Dandarandandan."

"Diyan mo na lang ilagay sa mga sahig yang maliliit at hindi lumilipad. Tapos yan namang malalaki Paliparin mo na lang sa kisame." sabi ko.


Inayos ko na ang cake. Grabe, Ang cute! Pabilog yung cake tapos caramel yung icing kasi mahilig si Klarence sa caramel kaya yun na lang yun napilu naming flavor.

Sana magustuhan niya 'tong regalo ko sa kaniya. Nagpaka-effort ako para rito. Sa totoo lang, Excited na ako. Yipeee!

"Ay!" nagulat ako dahil pumutok yung isang lobo sa sahig.


"Aiden!" suway ko.

Ngumisi siya. "Sorry." sabay wacky.

Peace sign yun diba?


"Gosh! Kung hindi lang ito para kay Klarence hindi talaga ako tutulong." maarteng sabi ni Fiona.

Sino bang may sabi na tumulong ka? Gusto mo lang namang magpabida kay Klarence kaya ka tumutulong sa amin. Pwede namang huwag ka nang tumulong kasi hindi ka naman kawalan.

"Hindi naman kita pinilit na tumulong ah." sabi ko.

Sabay-sabay na nag-Ohhh ang mga loko. Sige, Trip niyo yan eh. Barado kita girl. Nakakagigil ka.

"Bakit naman hindi ako tutulong eh hindi naman ako tulad mong plastik."


"Fiona!" suway ni Caleb.


Pinapapainit talaga ng babaeng ito ang dugo ko eh ano? Talagang hindi ako nito titigilan hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. Wala naman akong ginagawa sa kaniya pero kung makaasta siya eh parang ang laki-laki ng kasalanan ko sa kaniya. At tinawag pa niya akong plastik.

Aba! At ako pa ang plastik ngayon huh? Naibabaling na pala sa iba ngayon ang ka-plastikan. Try mo kaya girl na tumingin sa salamin, Baka kailangan mo nang dalhin sa Garbage Area dahil masyado ka nang plastik.


Magpatunaw ka tas bagong item ulet. May pakinabang ka pa.

"Excuse me?" hindi na ako nakapagpigil.

Nilabanan ko ang matatalim na titig niya. Sige, Titigan tayo.

"Bakit, Hindi ba?"

Peke akong tumawa.


"Una sa lahat, Ginawa ko itong surprise na ito para kay Klarence at hindi naman para sa'yo. Pangalawa, Hindi ako plastik kasi hindi ganun. Kasi hindi namanaako katulad mo. Pangatlo, Sa'yo lang ako nakikipagplastikan."

Zombie Apocalypse✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon