Chapter 8

111 6 0
                                    

••

Bella's P.O.V.


"Hmm... Ang talino mo talaga. Ikaw ba gumawa nito?" tanong ko habang nakatuon ang tingin sa device na 'to.

"Oo ako." sabi niya.


Gulat akong napatingin sa kaniya. Siya ang gumawa nito? Naks! Galing ah. Ang galing galing!


"Talaga? Ang galing mo naman!" proud kong sabi sa kaniya.

"Actually, Wala pang zombie apocalypse, Nagawa ko na yan."


Gulat ulit akong napatingin sa kaniya. Wala pang zombie apocalypse, Nagawa na niya 'to? Saan naman niya nakuha yung idea na yon? I mean, Mahirap gumawa ng ganitong nga bagay tapos huwaw!

"Halos ang dami ko nang naimbento na mga gamit and devices pero naisip ko, Why not na gumawa ako ng kakaiba hindi ba? So naisip ko yan."

Pumalakpak ako. Naks galing talaga! Pahinging brain cells mo ohhh.

"Ehh yung sa formula? Makakaligtas pa ba tayo dito?"


Makikita ko pa ba ang pamilya ko?

"Nagre-research pa kami ng AB negative type na dugo. Sobrang rare ng dugo na yun kaya medyo mahirap din." sabi niya saka nagpipindot sa laptop niya.


Hindi ko masyadong maintindihan ang nakalagay sa laptop niya. Masyadong scientific kaya nakakamatay ng brain cells. Nakakalito din. Hindi naman ako sanay na makakita ng ganun. Actually, Sa mga palabas ko lang nakikita yung ganun tapos ngayon, Nakikita ko na siya, As in live. Wooow.

Halos mapatalon kami ni Caleb sa gulat nang biglang may kumatok. Biglang pumasok si Lukas na may dala-dalang chichiriya.


"Hi guys! Wazzup!" nakangiti niyang saad saka nahiga sa kama.

Magkakalat pa 'tong isang 'to.

"Anong ginagawa niyo?"

"Wala." simpleng sabi ni Caleb.


Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa at patuloy pa din sa pagta-type sa laptop at patuloy pa din sa pagkain si Lukas.


"Ehh bakit kayong dalawa lang yung nandito?" tanong niya habang tinitingnan kami ng nakakaloko.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Caleb saka tumingin kay Lukas. Ano daw?


"May tinanong lang siya." simpleng sagot muli ni Caleb.

"Hmm, Sabi mo eh." sabi niyang muli.

Nakatulala lang ako sa device na hawak ko. Baka bigla 'tong tumunog ha? Hindi ako ready. Ayoko pang makipagbakbakan sa mga zombie. Di pa ako ready, Hindi pa kami ready, Wala pang ready charot!


"Shit!" pagmumura ni Caleb.

Gulat kaming napatingin ni Lukas sa kaniya. Aniyare?

"Bakit?" tanong ni Lukas saka dali-daling tumingin sa laptop ni Caleb.

"Aray naman!" sabay hampas ko sa braso ni Lukas.


Nadadaganan niya ako haler!


"May paparating." sabi niya.

Zombie Apocalypse✔Where stories live. Discover now