Chapter 2

166 7 0
                                    

••

Bella's P.O.V.


Narinig kong kinatok ni Klarence ang isang kwarto. Halos gibain na niya ito dahil sa pagkatok niya. Ang sakit ng ulo ko at sobrang lamig din.


"Ano ba? Gabi na Klarence." narinig kong sambit ni Zach.


"Check her!" sabay turo sa akin ni Klarence.


Nakita kong lumabas na din ng kwarto ang iba pa pati na din si Ben na kinukusot pa ang mata. Mukhang nagising siya kasi wala ang kuya niya sa tabi niya. Agad na tinungo ni Zach ang kinahihigaan ko at hinawakan din niya ang noo ko.


"Ang taas ng lagnat niya! Kumuha kayo ng bimpo at tubig sa palanggana!" sambit ni Zach sa mga kasamahan niya.


Agad na nagsikilos sina Caleb at Aiden. Nang dumating sila ay dala-dala na nila ang pinakukuha ni Zach sa kanila. Binasa na niya ang bimpo at saka piniga at pinunasan ang mukha at leeg ko.


"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong sa akin ni Zach.


Hindi ko siya sinagot kasi masakit din ang lalamunan ko kapag nagsasalita ako. Nakapikit ako habang balot ng kumot ang katawan ko.


"Kukuha lang ako ng gamot sa loob." sinamahan siya ni Caleb.


Sinulyapan ko si Klarence na malalim ang iniisip ngayon. Ano bang palaging iniisip non? Kinuha ni Ben ang pagkakaton para lapitan ako. Hinawakan niya din ang mukha ko pero agad niya ding binawi.


"Ay! Ang init mo ate. Ayos ka lang ba?" nginitian ko siya dahil hindi ko pa magawang makapagsalita.


Tiningnan ko ulit ang kuya niya na ngayon ay nakatingin sa amin. Nakakapagtaka lang na hindi niya sinasaway ay kapatid niya.


Kalma Bella. May sakit ka lang kaya ganiyan yan.


"Alam mo ate, Kapag may lagnat ako, Kinukumutan ako ni Kuya tapos niyayakap niya ako." bulong sa akin ni Ben.


Napatigil ako saglit. Kaya pala pakiramdam ko kanina ay parang may yumakap sa akin. Akala ko ay dahil sa mabigat lamang ang pakiramdam ko o dahil sa makapal ang kumot pero may yumakap pala sa akin.


Biglang bumukas ang pinto na pinasok kanina nina Zach at lumabas siya na may dala-dalang gamot.


"Eto Bella. Kaya mo bang tumayo?"


Hindi ako sumagot. Huminga siya ng malalim bago ako dahan-dahang ibangon. Tinulungan na din siya ng iba.


"Eto tubig oh." sabi ni Lukas habang inaalok ang isang basong tubig.


Ininom ko ito at pilit na nilunok.


"Mas mabuti sigurong dun muna siya sa isang kwarto." sambit ni Aiden.

Zombie Apocalypse✔Where stories live. Discover now