Chapter 14

110 6 0
                                    

••

Bella's POV

Hindi tuloy ako mapakali dahil sa mga sinabi nila. Kabado isang libo. Baka magulat na lang kami, Nasa harapan na namin si Dr. Wilson. Kaya kailangan na talaga naming maghanda hangga't maaga pa.

"Anong gagawin natin ngayon?" si Aiden.

"Kailangan na nating maghanda." Sabi ni Klarence.

Pagkatapos naming magkainan ay nagligpit na kami ng pinagkainan namin. Medyo maraming hugasin ngayon dahil nga sa naghanda kami para sa birthday ni Klarence.


"Anong regalo mo sa akin?"

Hindi ako sumagot sa tanong niya. Kami lang dalawa ni Klarence ngayon dito sa Underground Garden.

"Yun na." Sabi ko.

"Alin?" tanong niya.

Ang hina maman nitong kumuha.


"Yung surpresa ko. Ako kaya ang nagplano nun. Edi ayun na yung regalo ko sa'yo." sabi ko.

Sumandal siya sa bench.

"Hindi naman ako nag-enjoy." Sabi nya.

Napatingin ako sa kaniya. Hindi siya nag-enjoy? Edi sana, Sinabi niya para nakapagpa-party ako noh. Edi sana inimbita ko yung mga zombies para may kasama siya dzuh.

"Pero may isa pang paraan para madama ko yung kaarawan ko."


Agad akong tumingin sa kaniya, Hinihintay ang susunod na mga sasabihin niya. Go! Sabihin mo. Pagbibigyan na kita tutal, Birthday mo naman.

"Ano yon?" tanong ko agad.

Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya napaatras agad ako kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Diretso ang tingin niya sa mga mata ko kaya halos mapako ako sa kinauupuan ko.

"Yung maging boyfriend mo."


Ngumisi ako at saka lumapit ng bahagya sa kaniya. Siya naman ang napaatras ngayon.

"ULOL!" sigaw ko sa mismong mukha niya.

Halos mangisay na ako sa kilig dahil sa mga sinabi niya, Hindi ko lang ipinapahalata. Parang may kung anong meron dito sa dibdib ko at napakabilis ng tibok. Dinaig pa ang may karerang kabayo.

"Klarence? Andiyan ba kayo?" si Zach yun mula sa labas.


"Lumabas na tayo, Hinahanap na tayo dun." Sabi ni Klarence saka hinawakan ang kamay ko at hinila ako palabas ng underground garden.

"Epal talaga." pakinig kong bulong niya.

Okay, Lakas maka-k-drama.

"Uh-huh..." tambad ni Zach pagkalabas namin habang nakatingin sa mga kamay namin ni Klarence na magkahawak.


Tiningnan niya kaming dalawa habang bahagyang nakaawang ang bibig. Tinanggal ko na ang kamay ko sa pagkakahawak ni Klarence. Masyadong awkward at PDA masyado.

"Mag-uusap usap daw sabi ni Caleb." Seryosong sabi ni Zach kay Klarence saka kami iniwan.

Lahat na siguro sila ay nasa kwarto na nina Caleb. Kami na lang dalawa ang naiwan dito eh.

"Problema nun?" tanong niya sa kawalan.


Hinampas ko na. Nakakinis talaga 'tong lalaking 'to. Palagi na lang. Argh! Ang sarap ipakain sa pating.

Zombie Apocalypse✔Where stories live. Discover now