Chapter 3

155 8 1
                                    

••

Bella's P.O.V.


Isang linggo na ang nakaraan simula nang dito ako manirahan sa pinagtataguan nina Klarence. Akala ko nung una ay palalayasin din nila ako kapag gumaling na ako at gumaan na ang pakiramdam ko pero hindi nila ako pinaalis.


Naging maayos na din ang pakiramdam ko dahil sa mga gamot na ibinigay nina Zach sa akin. Medyo humuhupa na din ang mga sugat ko.


"Kayo ni Bella ngayon ang kukuha ng pagkain, Klarence." sabi ni Aiden.


Kami ni Klarence ang magkasama? What the heck!


"Kuya, Sasama ako." pakikiusap ni Ben sa kuya niya.


"No. You'll stay here."


"Pero kuya-"


"I said no!"


Halos mapatalon ako nang masigawan ni Klarence ang kapatid niya. Ngayon ko lang nakitang sigawan niya ang kapatid niya. Nagsimula nang magsipatakan ang mga luha ni Ben. Napahigpit din ang hawak niya sa laruang robot niya na wari'y ipagtatanggol siya nito.


"I-Im sorry." sabi ni Klarence kay Ben bago ito yakapin.


"Gusto ko pong sumama."


Tumingin siya sa akin na parang humihingi ng tulong. Kaagad naman akong umiwas ng tingin sa kanila at tumingin sa kisame. Usap magkapatid yan, Bakit niyo ako idadamay diyan?


"Okay" pagsuko ni Klarence.


"Basta mag-iingat kayo. Lalo ka na Bella." pagpapaalala sa amin ni Zach.


Inilalagay na ni Klarence ang mga armas niya sa bag niya. Binigyan niya din ako ng baril. In case of emergency daw pero hindi naman ako marunong gumamit nito.


Ang sabi lang niya sa akin ay itong baril na binigay niya sa akin ay kayang-kayang gamitin kahit ng bata. Hindi mo na ikakasa kaya hindi daw ako mahihirapan. Tumango ako nang sabihin niya ang mga linyang iyon.


Binalot ng kaba ang buong pagkatao ko habang mahigpit na nakakapit sa braso ni Klarence. Nagmamasid-masid siya sa paligid upang tingnan kung may zombie na paparating. Daig pa namin ang sasabak sa gera at nagmamasid kung may rebeldeng paparating.


"Basta ganito lang ang gagawin mo Bella. Huwag kang gagalaw kapag malapit na sa'yo ang zombie lalo na kapag wala ka nang matataguan." pagpapaalala sa akin ni Klarence.


Tumango naman ako. Aayaw ko munang ibuka ang bibig ko dahil sa kaba ko. Baka mapalakas ang pagsasalita ko at marinig ng mga zombie. Mahirap na tol.


Dahan-Dahan naming tinungo ang convenient store kung saan nila ako natagpuan noon. Kumuha kami ng mga delata at iba pang pagkain. Siguraduhin ko daw na matagal pa ang expired ng pagkain para magtagal din sa amin.

Zombie Apocalypse✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon