Chapter 2

13 1 0
                                    

Chapter 2

WARNING

Nag mamadali akong lumabas ng hospital na pinagdalhan sakin nung lalaki kanina.Wala naman akong pambayad kaya nung malingat yung nurse ay agad na akong lumabas ngunit may biglang humablot sa braso ko upang mapaatras ako at ng lingunin ko ay saktong pag tama ng noo ko sa dibdib ng lalaking naaamoy ko ang mamahaling pabango.

"Where are you going?"

May halong inis sa tanong nung lalaking mukang business man dahil sa attire na suot nya.

"U-uwi na sana ako"

Pahina ng pahinang sambit ko sa kanya na binitawan ang braso ko saka sinipat ang labi ko na hanggang ngayon ay nag durugo parin.

"Just wait for a moment.I'll finish this call and we'll talk."

Sabi nya na puno ng pag uutos ang boses.Binalingan nya ang kausap sa phone at pag katapos ng ilang segundo ay pinatay na nya yon saka bumuntong hininga bago sumenyas na sundan sya pero nanatili akong nakatayo.

"I'll pay for it".

Sambit nya saka ako hinila papasok sa hospital.Ginamot na ng nurse ang natamo kong sugat.Binigyan nya rin ako ng riseta para sa mga gamot na kakailanganin ko upang mabilis na mag heal yung sugat sa labi ko.

hindi panga gumagaling yung sugat ko nadoblehan pa nga.

Lumabas na kami ng ospital at nandito na kami sa tapat ng kotse nyang mamahalin.

"Thank you for helping me to get back my phone.This is my calling card incase that you need anything.I'll be there to pay your kindness,Miss".

Ngumiti sya ng slight bago iabot sakin yung calling card nya.Nag dadalwang isip ako kung tatanggapin ko ba o hindi kasi wala naman akong cellphone.

"Ayos lang yon.Mag iingat kana lang sa susunod kasi maraming snatcher sa lugar nato".

Nahihiyang sambit ko saka tumango bago sya talikuran para umalis.

"Wait,Accept this call--

Hindi ko na sya pinatapos at nagsalita habang nag lalakad paalis.

"I'm not comfortable asking someone for help.Thanks but no thanks"

At sa huli isang mapait na ngiti ang pinakawalan ko kahit na hindi nya iyon nakikita.

Pinalaki ako ni Mari na hindi umaasa o humihingi ng tulong sa iba.Ang sabi nya kapag nagkaron kami ng utang na loob sa mga susunod na panahon isusumbat nila yon samin at pagmumukain kaming opurtunista.
Kaya nasanay akong si Mari lang ang mayroon ako.

Umuwi na ako ng bahay para makapag pahinga at sagutan narin yung biodata.By tomorrow siguro ay pwede na akong pumasok sa panaderiya upang mag tinda ng mga tinapay.Binigay sakin nung tagapamahala yung schedule kung kailan mabenta ang mga tinapay na ititinda ko.

Hindi naman pala sayang yung 2 weeks suspension ko kasi sa loob ng dalwang linggo ay kikita ako.

Kinagabihan ay dumating na si Mari na saktong paghahain ko ng hapunan.Hinubad nya ang uniporme nya saka yon inilagay sa gilid upang labhan mamaya.

"Kamusta ang school?

Agad na tanong nya sakin nung maupo sa tabi ko.

"Ganon parin naman.Walang bago---

Hindi nanaman nya ako pinatapos ng hawakan nya ang baba ko at sipatin ang muka ko.

"Hindi pa nga gumagaling yung sugat mo kahapon may bago nanaman?Umamin kanga sakin Sagi,Binubully ka ba sa--

Love and LieWhere stories live. Discover now