CHAPTER 19

3 0 0
                                    

Chapter 19

Sagi's Pov

Sobrang sayang magkaron ng maayos na environment sa school at masayang mga kaibigan,kung matatawag ko nga ba silang kaibigan.Naranasan kong tumawa ng totoo at makakain ng masasarap na pagkain na hindi ko pa naranasan simula ng mag kaisip ako.

Bumuntong hininga ako saka inayos ang mga gamit ko sa school.Bumaba muna ako para sana mag timpla ng gatas at makatulog na pero natigil ako sa paglalakad ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Limier.Unang hakbang palang ang ginawa nya ng matumba na sya sa sahig at dahil ako nalang ang gising sa bahay na ito ay agad ko syang nilapitan para pabangunin.

"Limier gumising ka ano ba?Sa taas pa yung room mo!"

Pang gigising ko sa kanya pero wala talaga kaya naman dahan dahan ko syang inalalayan paupo saka inilagay sa batok ko ang braso nya at hinawakan ko sya sa bewang nya bago ako mag simulang lumakad papuntang hagdan.

Buti nalang nasanay ang braso ko sa pag iigib ng tubig kaya sanay nako sa mga mabibigat na pasanin.

Nung makarating kami sa itaas ay inihatid ko sya sa kwarto nyang na pag kalaki laki pero ang pangit ng kulay kasi all black ang theme parang nasa galaxy lang with matching mga glow in the dark na stars sa ceiling.

Childish

Inihiga ko sya sa kama nya at isinaayos ang pag kakahiga nya saka ako akmang tatalikod na nung hawakan nya ang kamay ko para pigilan sa pag alis.

"W-wag m-mo akong iwan......please a-ayoko ng maiwan"

Nangunot ang noo ko sa sinasabi nya kaya naman lumingon ako at nagulat pa ng makitang umiiyak ang namumungay nyang mga mata kaya naman nataranta akong tumingin sa pinto kasi baka may makakita at akalaing pinaiyak ko ang lalaki kaya naman tinanggal ko ang kamay nya sa pagkakahawak sakin.

"P-please"

Pagmamakaawa nya habang patuloy sa pag iyak.Bumuntong hininga lang ako saka nag salita.

"Saraduhan ko lang yung pinto"

Kalmadong sagot ko saka lumapit sa pinto at isinara yon.Luminga ako sa paligid at nakakita ng mini fridge kaya naman lumapit ako ron para kumuha ng tubig at lumapit sa kama ni Limier na umiiyak parin.

Mag lalasing lasing tas iyakin

"Bumangon ka riyan at inumin mo to"

Utos ko sa kanya na umiiyak pa rin.Napairap ako sa kabadingan nya.Hindi naman ito yung unang beses na makita ko syang umiiyak pero narito parin sakin yung wirdong pakiramdam katulad nung una ko syang makita na umiyak.

"Sabi ko bumangon ka dyan at inumin moto!Ang kulit!Kung di ka babangon aalis ako"

Pananakot ko sa kanya na wala pang isang segundo ay bumangon na pero dahil uncontrol yung movement nya dumeretso nyang sandal sakin kaya naman ang style namin ngayon ay parang nag yayakapang hindi malaman.Napapikit ako sa inis dahil kung ibang lalaki to baka kanina pa to pinag lalamayan pero dahil may pinag samahan kami tinitiis ko kung ano sya.

Binuksan ko yung tubig saka sya dahan dahang pinainom.Kumuha rin ako ng tissue na nasa side table at pinunasan ang muka nyang puro sipon at luha.

Kawawang bata

"Bat ba kasi lasing ng lasing?"

Inis na bulong ko sa kanya na nakapikit at pangiti ngiti sa kawalan.

Parang tanga

Tumayo ako at inalalayan syang mahiga saka kinumutan ng ayos bago sana umalis na pero maagap ang kamay nya na hinawakan ang laylayan ng tshirt na suot ko.

Love and LieWhere stories live. Discover now