CHAPTER 24

2 0 0
                                    

Chapter 24

Alliana's Pov

Nandito kami ngayon sa clinic dahil nawalan ng malay si Sagi ng harangan nya yung pag tama ng bola sakin kanina.

"Please call me once na mag ka malay na sya.Aasikasuhin ko lang ang iba nyong kaklase dun sa field"

Paalam ni sir sakin bago tuluyang lumabas ng clinic.Tumingin naman ako dun sa nurse na chinecheck si Sagi kung may natamo pabang sugat sa kamay or sa braso nya.Naupo ako sa gilid ng kama nya habang inaantay syang mag ka malay ng biglang bumukas yung pinto at pumasok ang isang familiar na lalaki.

"What happened to her?How is she now?"

Nag aalalang tanong nya ng makalapit kay Sagi na mahimbing parin ang tulog.Sumunod namang pumasok si Limiera na masama ang tingin sakin but i don't care now.Sino ba sya para di ko patulan ngayon?Tumayo na ako at lumabas na ng clinic pero natigil rin sa pag lakad ng hawakan ako ni Limiera sa braso at marahas na iharap sa kanya.

"Kita mo yung nangyari?It's all your fault stupid!"

Galit na asik nya sakin pero nginisian ko lang sya bago mag crossarm at tingnan sya mula ulo hanggang paa na ikinagulat nya.

"Ako ba yung pumaltok?Hindi ba't yung kaibigan mong Thessi ang may gawa bat nandyan si Sagi sa clinic?Sino satin ngayon ang tanga?Hindi ba't ikaw?tsk"

Inirapan ko sya na namula ang mga pisngi sa hiya na may kasamang galit at ng akmang sasabunutan nya ako ay umilag ako saka sya tinisod kaya ang ending nadapa sya sa sahig.

"Araaaaay!!!Sinasabi ko na nga ba!!Your freaking pretending to be weak to make Sagi's symphatize at you!"

Singhal nya sakin pero umakto akong bored na nakikinig sa kanya and mocked her saka nag salita.

"For your information i'm not pretending to what your saying.I'm just bored last month kaya di ko kayo pinapatulan and now na nag iinit yung kamao ko para ang sarap manuntok sa muka para madagdagan yung nag titingkaran mong blush on!Ano ready ka?"

Mapang hamong tanong ko sa kanya saka ko inihanda ang kamao ko habang sya ay mabilis na tumayo saka tumakbo papasok sa clinic.

Takot ka pala eh!

Bumuntong hininga ako saka nag lakad na para makapag palit ng uniform pero bigla kong nakasalubong si Mari kasama si Hellion.Napatigil ako sa pag lalakad ng makita silang dalwa at ganon rin si Mari ng makita ako.

It was nice to see the person who ruined my life.

"Alliana what happened to Sagi and where is she?"

Hindi ko nagawang balingan ng tingin si Hellion dahil titig na titig ako kay Mari na ibang iba na ang itsura kesa sa dating sya.

Nabihisan kalang at naayusan pero hindi mo mababago ang lahat ng bagay lalo na ang pagiging homewrecker!

"Nasan ang kapatid ko!?"

Naroon ang pag aalala at galit sa tono ng pag tatanong nya kaya naman ngumisi ako at bahagyang itinaas ang mga kamay.

"Tsahaha chill!She's in the clinic.Peacefully sleeping"

Sagot ko sa kanya na parang may kung anong pumitik at hinawakan ako sa damit.

"Anong ginawa mo sa kanya ha!?Binully mo nanaman ba sya!?Sinaktan mo nanaman ba ang kapatid ko ha!?"

Singhal nya sakin pero wala syang nakuhang matinong sagot dahil nginisian ko lang sya.

"Tangina!!Parehas kayo ng tatay mo!!!!Mga demonyo!!!"

Sigaw nya sakin pero hindi na ako naaapektuhan sa mga ganong salita dahil alam kong mas masahol pako ron.

Love and LieWhere stories live. Discover now