CHAPTER 27

0 0 0
                                    

Chapter 27

Limier's Pov

Ilang araw ang lumipas simula ng malaman ni dad kung sino ang nag papadala ng threats at hindi parin sila okey ni Mari.Nag away sila dahil don and i don't care hindi ko ilalagay sa kapahamakan ang buhay namin just to stay quiet sa mga nalalaman ko.

Nainterview nanga rin pala ng mga police si Sagi na inilahad ang lahat ng nangyari nung gabing saktan sya nung dating mayor at lumalim pa ang imbestigasyon hanggang sa malaman nilang dating ex ni Mari ang suspect at hinihinalang nag hihiganti ito dahil tumanggi si Mari sa kasal nila noon.

"I can't believe that you didn't even bother to tell me that you knew that fuckers!!"

Naglalakad nako pababa ng hagdan ng marinig ko ang away ni dad saka ni Mari dun sa baba kaya hindi natigil muna ang pagbaba ko.

"I-im sorry hindi ko sinasadya.Natakot lang ako na baka magalit ka sakin"

Umiiyak na sabi ni Mari kay daddy na nag pipigil parin ng galit.

"Damn it!!Bakit ako magagalit kung ganon?May reason ba para magalit ako kapag nalaman ko ang tungkol sa ex mo?Ang nakakagalit ngayon ay yang pag lilihim mo!Sana naisip mong may mga anak akong madadamay!!"

Natigilan ako sa sinabi ni dad kung kaya't humigpit yung kapit ko sa pasimano ng hagdan.

"Pasensya na talaga,Promise ngayon hindi na talaga ako mag lilihim sayo lahat sasabihin ko"

Umiiyak na sabi ni Mari kay Daddy na huminga ng malalim para siguro kumalma.

"Lahat sasabihin mo sakin simula ngayon para masolusyunan ang problema ng hindi nadadamay ang mga bata including your sister."

Seryosong sabi ni dad saka lumabas na ng bahay para pumunta na siguro sa office.Nag tuloy ako sa pag baba para umalis na rin pero biglang nag salita si Mari ng makita nya ako.

"Bakit?"

Isang salita lang pero alam ko na agad ang tinutukoy nya.Nanatili akong nakatalikod sa kanya at nakatitig lang sa door knob.

"Bakit mo sinabi yon?Bakit kailangan mo akong pangunahan?Ganyan parin ba kalala yang galit mo sakin ha?"

Galit nyang tanong sakin kaya naman marahan akong humarap sa kanya at nakita ko ang luhaan nyang mga mata na animo'y disappointed sakin.

"I didn't know that helping to resolve that case make's you think that i'm doing this because i hate you?Your quiet funny you know?"

Kunwari pang natatawa ako bago namulsa at humakbang palapit sa kanya na nagugulat akong tiningnan habang tuloy tuloy ang pag tulo ng luha nya.

"It's not my intention na pangunahan ka sa pag sasabi kay dad ng kung ano man ang meron sa inyo ng taong yon but the fact na yung taong yon ang nanakit kay Sagi sino ba naman ako para hindi mag salita ng nalalaman ko"

Seryosong sabi ko sa kanya na natigilan saka tumitig sa mga mata ko.Sinubukan nyang mag salita pero walang lumalabas sa bibig nya.

"If you can't do anything to make her safe then atleast let me lead a way to protect her.She so pure and innocent that is why i don't wanna see her get hurt again"

Dagdag ko pa sa kanya na bahagyang natawa pero hindi basta tawa kasi makikita mo ron yung sakit at disappointment lalo na sa mga mata nya.

"Wala kang alam kaya pwede ba?Huwag kang gumawa ng bagay na pwede mong ikapahamak.Lubayan mo ang kapatid ko kasi kaya kong protektahan sya at hindi ko kailangan ang tulong mo!"

Nakagat ko ang ibabang labi ko ng makita ko si Limiera na natigil sa pag labas sa kitchen ng makita kami ni Mari na nag sisigawan dito sa may pinto.

"Do your part as her sister and i'll do my part to save her whenever she needs to"

Love and LieWhere stories live. Discover now