Chapter 37

1 0 0
                                    

Chapter 37

Limier's Pov

Day passed and Sagi still giving the same cold treatment to me kaya naman nandito ako sa kwarto nya ngayon para kausapin na sya pero nakita ko lang syang kumakain ng kung ano kaya naman kinalma ko ang sarili ko.

"Can we talk?"

Tanong ko sa kanya na bahagyang nagulat pa saka tumango.

"Sagi mahal kita at alam kong alam mo na yon."

Panimula ko sa kanya na iniabot sakin yung isang bukas ng egg na may sabaw?

"Ano to?"

Iretableng tanong ko sa kanya na kinapa yung kamay ko saka nilagyan ng suka na nasa plastic yung egg.

"Balot ang tawag dyan.Try mo masarap"

Napalunok ako ng hindi nya ako sungitan ngayon kaya naman ginawa ko ang sinabi nya.Sinipsip ko yung sabaw saka kinain yung laman nya ng dire diretso dahil sabi ni Sagi ganon daw kainin yon.

"Masarap no?"

Sabi nya saka kinapa yung plastic na may basura.Kinuha ko yon at ako na ang nag tapon dun sa trashcan sa tabi ng side table nya.Kumuha ako ng wipes saka pinunasan yung kamay at bibig nya.

Ang ganda ng future wife ko.

Bahagya akong nangiti sa naisip ko pero agad din yung napawi ng mag salita sya.

"Limier...ano sana huwag mo na akong gustuhin"

Nangunot ang noo ko sa sinabi nya kaya naman hinawakan ko sya sa pisngi nya at dahan dahang iniharap sakin.

"Ayoko.Gugustuhin kita sa ayaw at sa gusto mo dahil yun ang nararamdaman ko!"

Pag mamatigas ko sa kanya na hinawakan lang din ang kamay ko bago yon ibaba at pag laruan.

"Sinabi ko naman sayo kung sino ang gusto ko diba?"

Inis kong binawi ang kamay ko sa kanya at nag crossarm bago masamang titigan sya kahit alam kong hindi nya yon makikita.

"No!Aagawin ko yang nararamdaman mo kahit na anong mangyari.Gusto mo sya dahil good boy sya sa paningin mo ganon?Well i'll do my best to remove everything you dislike about me and i will do everything to make you fall in love with me!"

Pag mamatigas ko sa kanya na bahagyang natawa saka kinapa yung kamay ko at pilit kinukuha pero hinila ko lang yon dahilan para mapasama sya at madikit ang noo nya sa labi ko.

Napangiti ako dahil naramdaman ko ang pag kailang nya kaya naman hinawakan ko sya sa braso at marahang inilayo sakin.

"Ang sabi mo gawin ko lahat ng bagay na makakapag pasaya sakin at ngayong pinipili kita,Tinataboy moko palayo bakit?Natatakot kabang mas mahalin moko kesa mas mahalin kita?"

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga salitang to pero ang alam ko lang nag kukusa syang lumabas sa bibig ko.Hindi sya bagay pag ako yung nag sasabi pero wala akong pake kung corny sya sa paningin ng iba.

"Ano bang sinasabi mo dyan?Alam mo bang 16 palang ako?"

Nakangusong sabi nya kaya natawa ako.

"Sinasabi ko lang na mahal kita at pag hihirapan kita saka ano naman kung 16 ka palang?Pwede naman kitang antayin hanggang sa maging handa ka pero wag naman matagal"

Bahagya syang nailing sa sinabi ko at bumuntong hininga.Wala na syang nasabi pa kaya naman nahiga na sya at kinumutan ko na saka dumeretso sa baba para kumuha ng tubig pero nakita ko si Limiera na nakatulog na sa sofa habang ka videocall si Diego.

Love and LieWhere stories live. Discover now