CHAPTER 20

5 0 0
                                    

Chapter 20

Sagi's Pov

Nonsense pala eh bakit nakikipag usap pa yon sakin?

Inis akong nag abang ng tryke para pumunta sa bahay namin ni Mari dati since tinamad na akong pumasok sa school.

"Kuya dun nga po sa riles"

Sabi ko ng makasakay sa tryke.Bente minuto lang at nakarating na kami roon kaya naman nag madali na akong mag lakad patungo sa bahay namin pero bago paman ako makalampas sa mga taong naroon sa kalye ay narinig ko ang usapan nila.

"Diba kapatid yan nung pokpok?"

"Oo mukang yayamanin na"

"Nakaahon na sa hirap.Siguro nakahanap ng kukupkop kaya ganyan na kagaganda ngayon"

Napailing nalang ako at nag deretso sa pakay ko pero nahinto ako sa pag lakad ng makitang wala na roon ang barong barong namin at nakatayo na ang isang maliit pero simentadong bahay na.

"Ate excuse me po,Asan na po yung lumang bahay riyan?"

Tanong ko sa taong lumabas sa bagong bahay.

"Ay ineng wala na.Simula nung mawala yung dalwang mag kapatid dyan at giniba na iyon para itayo itong bahay namin"

Bumagsak ang balikat ko sa narinig at ngumiti na lang sa kanya.Naglakad ako paalis don at naupo sa gutter,gilid ng kalsada.

Wala na talagang atrasan to,Wala na rin naman akong uuwiang bahay eh.

Ilang minuto lang ang ginugol ko sa pag upo bago naisipang pumunta sa panaderia na nataong madaming nabili.

"Ma'am Eleneor tulungan ko na kayo"

Nag madali akong pumasok sa loob habang gulat na gulat naman si Ma'am Eleneor at tumango nalang.Maagap kong kinuha ang order ng mga tao at pinag bigyan sila.Nakakatuwa dahil pakiramdam ko kahit na sandali ay bumalik ako sa dati kong buhay.

"Oh mag meryenda ka muna"

Nag lapag si ma'am Eleneor ng crinkles at coffee na agad ko namang kinuha para kainin.

"Salamat po"

"Ano at naparito ka?Aba't naka uniporme kapa.Huwag mong sabihing suspendido ka nanaman sa school nyo"

Tatawa tawang ani nya sakin na ngumuso lang saka umiling.

"Hindi po hehehe ang totoo nag cutting po ako"

Pag amin ko sa kanya na nagulat ng bahagya pero nakarecover din.

"Jusmiyo!Ay bakit ka naman nag cutting na bata ka.Baka makagalitan ka ng ate mo"

Concern na sabi nya sakin bago maupo sa harap ng mini table.

"Ayos lang po yun"

Nahihiyang sagot ko bago kumagat ng crinkles.

"Anong ayos lang eh baka mamaya magalit sayo ang ate mo dahil dyan sa pag cutting mo,Teka e bakit mo nga ba iyan ginawa?"

Takang tanong nya habang ako ay napalunok ng bahagya saka bumuntong hininga at ikinuwento sa kanya yung nangyaring suntukan nila Limier at nung guy na nalimutan ko ang pangalan.

"Naku!Napaka palaaway talaga ng batang yan kaya hindi sila nag kakasundo ng papa nya"

Bahagya akong napangiti dahil obvious naman na pasaway si Limier.

"Ikaw nalang ang bahalang mag pasensya sa kanya ah?Simula kasi ng namatay ang mommy nila ni Miera naging ganon na sya siguro dahil kinulang rin sa atensyon at guidance pero kami ni ate Felineor ay di nakakalimutang mahalin ang mga batang iyon sa abot ng aming makakaya"

Love and LieWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu