Chapter 3

9 1 0
                                    


Chapter 3

WARNING

Nakakapagod ang maghapon na ito kaya naman pagkauwi ko ng bahay ay naupo muna ako saka pinagmasdan ang buong kapaligiran.
Masyadong makalat ang bahay namin.Hindi sya ideal house ng kahit na sino.Magkapera lang talaga ako ng malaki aalis kami dito at magpapagawa ng bahay sa lugar kung saan walang nakakakilala at makakapanghusga samin ni Mari.

Buntong hininga nalang ang nagawa ko bago mahiga at tuluyan ng makatulog.Nagising lang ako ng maramdaman ang pag pasok ni Mari sa kwarto na halatang mag bibihis dahil naghahanap ng damit sa kahon.

"Oh!Himala at natulog ka ng hapon?"

Patanong na usal nya sakin.Bumangon lang ako upang mag mumog at mag saing.Maalala ko wala panga pala akong sinaing kaya malelate kami ng dinner.

"Oh?Anong gagawin mo?"

Tanong nya habang inaayos yung tshirt nya.

"Obvious ba?Edi mag sasaing"

Walang ganang sagot ko sa kanya na inagaw lang ang kaldero saka ako iniharap sa kanya at ngumiti ng slight.

"Wag na.Kain nalang tayo dyan sa kainan sa labas.Magbihis kana don.Reward ko ito sayo dahil nag sisipag ka sa pag aaral".

Magiliw na sambit nya na ikinatigil ko.Hindi ko naman sinasadyang mag sinungaling,Ayoko lang talagang madisappoint sya sa pag kakasuspended ko sa paaralan nayon at lalong ayokong malaman nya kung ano yung pinag mulan non.

Tumaas nako saka nagpalit ng jogging pants at tshirt.Inayos ko buhok ko saka bumaba.Naabutan ko si Mari na pangiti ngiti habang may kausap sa cellphone nya.

"Oh sige na hon,Aalis muna kami ni Sagi.Kakain kami sa labas.Reward ko sa bata dahil nagsisipag sya sa pag aaral".

Rinig kong sabi nya.Sino naman kaya ang kausap nya?

Lumabas na kami upang mag lakad papunta sa kainan sa labasan ngunit nasa daan palang kami ay di ko na maatim ang mga taong umaalipusta sa aming dalwa ni Mari.Gusto ko na silang sugurin at sigawan ngunit pinigilan ako ni Mari.

Yan ang ayoko sa kanya,Kami na yung dehado hindi pa lumalaban.Ika nya pag pinatulan lalong lalaki ang gulo mas mabuti naraw ang hayaan kasi mag sasawa naman daw ang mga yan.

Nakarating na kami sa isang mini resto na afford naman ng budget namin.Lumapit samin ang isang babae na kahit gabi na ay puno parin ng ngiti sa kanyang labi.

"Ano pong order ma'am?".

Tanong nya saka tumingin sakin.Agad naman akong tumango bilang pag bati saka tumingin dun sa menu.

madaming pag pipilian at lahat yon ay masarap pero yung pinaka paborito ang pinili ko at yun ay.....

"Two rice and adobo then one cup of ice cream".

Saad ko saka tumingin kay Mari na nakangiti sakin.Pinagkunutan ko sya ng kilay saka sumenyas ng 'ano' gamit ang bibig ko ng walang lumalabas na salita.Umiling lang sya saka binalingan ang waitress para sa order nya.

"Kamusta ka sa school?Nakakasagot kaba sa mga recitation nyo?".

Magiliw na tanong ng kapatid ko habang nag titipa ng kung ano sa cellphone nya.Medyo curious ako kung ano bang meron sa cellphone kasi wala akong mga ganan na gadgets.

"Ayos lang ako.Pinag bubuti ko ang pag aaral,Wag kang mag alala".

Seryoso kunwaring sambit ko sa kanya na inilipat sakin ang tingin saka ngumiti ng husay.

"Tama yan.Ikaw lang ang pag asa ko!Kapag nakapag tapos ka ng pag aaral iaahon mo yung buhay natin sa hirap.
Parati mong tatandaan na lahat ng ginagawa ko ay para sayo".

Love and LieWhere stories live. Discover now