CHAPTER 33

2 0 0
                                    

Chapter 33

Mari's Pov

Nang makabalik kami sa mansion ay mas naging maingat kami lalo pa't tumitinda ang pananakot ni Leo sakin sa mga text messages nya.

Back to school and work na ako sa office at gaya nga ng sinabi ni Limier last time mas kailangan kong pag tuunan ng pansin ang dapat unahin kaya naman kahit mabigat para sakin ay mas pinipili ko ng tanggapin na wala na talaga kaming pag asa lalo pa't nakikita kong hindi na talaga ako.

"Hon anong gusto mong food?I will cook for you."

Tanong ni Leomir habang pauwi kami sa bahay.Ngumiti lang ako at bahagyang nag isip ng cravings ko today.

"I want sinigang na bangus.Nakakamiss yung maasim na sabaw"

Sagot ko sa kanya na hinawakan ang kamay ko habang abala sa pag da drive.

"Okey your wish is my command"

Sagot nya habang ako ay natutuwa dahil sa mga pang spoil nya sakin mapa gamit man o pagkain.Nung makarating kami sa mansion ay naabutan namin si Limier saka Gillian na nag mu movie marathon sa salas kasama si Limiera na nakatulog na don sa carpet.

"Oh are you guys enjoying the movie?"

Tanong ni Leomir sa kanila na naagaw ang pansin.

"Nandyan na po pala kayo tito hehehe yes nag eenjoy po kami.Diba babe"

Ngumisi naman ako ng sarkastiko dahil sa kaartehan ng babaeng yon habang itong si Limier ay hindi man lang dumistansya gayong sinabi nyang gusto nya ang kapatid ko.

"Sige mag enjoy lang kayo dyan.Mag luluto lang kami ng dinner natin"

Masayang sabi ni Leomir sa kanila bago mag diretso sa kitchen.Nag crossarm naman ako at nilibot ang paningin ko sa paligid.

"Where's Sagi?"

Tanong ko kay Limier pero ang maarteng babae na si Gillian ang tumingin sakin at sumagot.

"Hindi kami tanungan ng mga nawawalang tao beside your sister had her phone.Why don't you call her?Istorbo"

Napairap ako sa kawalan dahil napaka epal nya.

"I'm not asking you dear.So back off"

Inis na sabi ko sa kanya na tatayo pa sana para patulan ako pero hinigit ni Limier ang kamay ng babae paupo saka inakbayan para mag patuloy sa panonood.

Wow ha!Anong nakain ng lalaking to at gumaganyan sya?Sabagay mas gugustuhin ko ng kay Gillian sya maging clingy kesa sa kapatid kong masasaktan nya rin sa bandang huli.

"Nandito ako"

Napatingin ako kay Sagi na pababa ng hagdan.Mukang kagigising nya lang at naka uniform pa.

"Oh may binili ako sayo"

Iniabot ko sa kanya yung paper bag na may lamang graham na binili ko sa katrabaho ko sa company kanina.

"Ano to?"

Casual na tanong nya saka nag lakad papuntang kitchen.

"Dessert.Kainin mo mamaya after dinner"

Nakangiting sabi ko sa kanya na tumango lang.Nandito kami ngayon sa kitchen at tumutulong kay hon na mag asikaso ng mga ingredients sa siningang ko.

"San mo pala balak mag college,Sagi?"

Tanong ni Hon kay Sagi na natigil pag hihiwa sa mga gulay.

"Kailangan ko pa bang mag college?"

Parang nag tataka pang tanong nya samin kaya naman nag katinginan kami ni hon at bahagyang napangiti.

Love and LieWhere stories live. Discover now