CHAPTER 30

2 0 0
                                    

Chapter 30

Mari's Pov

Wala akong sched ngayon sa school kaya naman abala ako sa pag pili ng nga foods na ihahanda sa party this coming saturday ng biglang tumawag sakin si Sebastian na nasa hospital daw si Sagi kaya naman inihabilin ko na muna sa maharot na secretary ni Hon yung mga foods na napili ko.

Pagdating ko sa hospital ay nasa emergency room pa ang kapatid ko samantalang nakita ko si Hellion na nakaupo dun sa waiting area kaya nag madali akong pumunta roon.

"What the hell happened to her!?"

Galit na tanong ko sa lalaki na blangko lang akong tiningnan saka tumayo para harapin ako.

"Nasaksak sya ng balisong kanina nung nililigtas ko siya sa dalawang motor rider na humabol sa kanila nung dismissal"

Sagot nya sakin habang ako ay pilit ikinakalma ang nag aalala kong sistema para sa kapatid kong nasa loob ng emergency room.

"Fuck!Nahuli ba yung mga lalaking sumaksak sa kapatid ko?"

Tanong ko sa kanya na bumuntong hininga lang bago tumingin sa emergency room at semenyas sakin na sumunod sa kanya.

"Hawak na ng mga police yung dalwang suspect.We gotta go there"

Sabi nya pero hinawakan ko muna sandali yung kamay nya para pigilan sya sa paglalakad.

"Sinong maiiwan dito to check my sister if we gonna go there?"

Tanong ko sa kanya na nilingon naman ako at bahagyang natigilan kaya naman lumingon rin ako at dun ko nakita si Alliana na nakatayo habang nakatingin samin.

"Akalain mo nga naman no?Ikaw lang yung hinahabol ng kamalasan pero pati kapatid ko nadamay"

Sarkastikong wika ko kay Alliana na seryoso lang nakatingin sakin.

"Mari come on!Hayaan mo na sya kailangan nating puntahan yung mga suspect don.Baka may malaman din tayong information kung nasan si Leo"

Pag pupumilit sakin ni Hellion pero hindi ko sya pinansin.Sa halip ay nilapitan ko si Alliana saka binigyan ng malakas na sampal at kaagad naman akong hinawakan ni Li palayo sa babae.

"Sisiguraduhin kong pag sisisihan mo kapag may nangyaring masama sa kapatid ko.Tandaan mo yan!"

Pilit akong hinila na ni Hellion palabas ng hospital at padabog ko naman syang tinulak dahil nakakasagabal sya sa sinasabi ko sa bruhang nasa loob.

"Ano ba!?Bat mo ba ako pinipigilang lumapit sa bruhang yon ha!?"

Inis na singhal ko sa kanya na pilit ring pinapakalma ang sarili.

"Kasi kailangan na nating pumunta sa police station dahil yung sumaksak sa kapatid mo ay nandon hindi naman yung babaeng sinasaktan mo roon sa loob"

Napairap ako sa sinabi nya saka kami sumakay sa kotse ko at nag madaling pumunta sa police station.Nakausap namin yung police officer na may hawak ng case namin at sinabing itinatanggi raw ng dalwa na inutusan sila ni Leo para kidnapin yung dalwang bata.

"Pero sir wala naman akong ibang alam na pwedeng gumawa non samin ng kapatid ko kundi si Leo lang as in"

Sabi ko pa sa police officer na nakatingin sa papel na animo'y report paper.

"Yan din ang nakikita namin base sa salaysay na ibinigay nyo na maaaring gumaganti ang suspect sa hindi nyo  pag payag sa kasal noon pero ano naman ang dahilan para ipa kidnap ang sarili nyang anak?"

Natigilan ako sa sinabi nung officer dahil pati si Alliana binalak kidnapin ni Leo?Pero bakit?

"A-ano pong ibig nyong sabihin na pati yung anak ay binabalak kidnapin?"

Love and LieWhere stories live. Discover now