CHAPTER 34

0 0 0
                                    

Chapter 34

Hellion's Pov

Tumawag sakin si Marco to confirm na si Sagi nga ang nag mamay ari ng buhok na yon na nakita sa crime scene and unexpected na narinig yon ni Alliana kaya naman ayon normal reaction.Nag wala sya at iyak pa rin sya ng iyak hanggang sa maiuwi ko sya sa bahay.Tinawagan naman nila mommy yung grandparents ni Alliana sa canada para sabihin ang mga nangyayari sa apo nila and within this month ay uuwi sila para asikasuhin ang case at iuwi na si Alliana kasama sila.

Ayoko mang mawalay sya sakin pero kung mas makakabuting doon sya para gumaling ay hahayaan ko na.

Abala parin ako sa pag aaral nitong investigation paper ng makatanggap ako ng tawag mula kay Limier na nawawala raw si Sagi kaya naman nag madali na akong lumabas at sumakay sa kotse ko para tulungan syang hanapin ang babae.

I don't know but my insticnt said she's innocent that is why i'm really doing my best to figure it out kung ano ba talaga ang nangyari before that inccident.

"What!?Do you mean?alam rin ni Mari ang tungkol sa buhok na yon pero paano?"

Nag tataka kong tanong kay Limier na abala rin sa pag da drive sa kabilang linya.

"I don't know basta sinabi nya lang na hindi pwedeng tumawag ng police kasi isa sa suspect sa murder ay si Sagi"

Napamura ako sa sinabi nya at mas binilisan ko pa ang pag papatakbo ng sasakyan ko pero agad ko ring binagalan dahil dumarami ang sasakyan.

"Kung sinabi nyang isa sa suspect sa murder case si Sagi ibig sabihin sigurado syang involve nga ang kapatid nya ganon!?"

Iretableng tanong ko sa kanya mula sa kabilang linya.

"I don't know okey!?Naguguluhan rin ako at hindi alam ang gagawin pero isa lang ang pinaniniwalaan ko at yun ay inosente sya bro"

Malumanay na sabi nya sakin kaya naman pilit kong ikinakalma ang sarili ko dahil nag da drive ako.

"Bro,Pumunta ka sa address na isesend ko sayo at mag kita tayo ron"

Sabi ko saka isinend yung location ng dating mansion nila Alliana kung saan naganap ang crime scene.Maaaring nandon si Sagi upang mag hanap ng ibang ebidensya para maipag tanggol ang sarili.

"Anong gagawin ko rito?"

Tanong ni Limier sakin.

"Baka nandyan si Sagi kaya please make it faste----"

Hindi ko naituloy ang sinasabi ko ng may tumigil na van sa harapan ko kaya naman agad kong tinapakan ang brake ng kotse ko dahil sa labis na gulat.Narinig ko pang mag salita si Limier pero hindi ko na sya nasagot dahil lumabas ang mga armadong lalaki mula sa van.Inilock ko ang pinto ng kotse ko pero binasag nila ang bintana saka ako marahas na palabasin sa sasakyan ko.Nanlaban pa ako pero marami sila kaya naman bugbog sarado akong ipinasok sa van at ang pangamba ko ay lalong nadagdagan ng makita ko kung sino ang mastermind sa lahat ng ito at yon ay ang hayop na si Leo.

Nakatulog ako ng sprayan nya ako ng kung ano sa ilong at nagising nalang ako ng buhusan nila ako ng tubig na malamig dito sa roof top kung saan walang makakarinig samin.Nakatali ang kamay at paa ko kaya naman hindi ko magawang manlaban sa kanila at tanging masamang tingin lang ang kaya kong gawin sa kanya ngayon.

"Ha!Punyeta!Ikaw lang pala ang lintek na annonymous sender na sumira sa reputasyon ko at kay tagal mong pinaikot ang sitwasyong walanghiya ka!!!"

Gigil na gigil na aniya saka ako sinuntok na ikinatumba ko sa inuupuan ko.Nahilo ako sa lakas ng suntok nya kaya naman pabalya kong iniupo ng tauhan nya pabalik sa upuan.

Love and LieWhere stories live. Discover now