CHAPTER 22

1 0 0
                                    

Chapter 22

Habang nag lalakad sa hallway ay naging abala ako sa pag tingin ng mga games dito sa phone na binigay sakin ni Limier at aaminin kong muka akong tanga kakapindot kasi hindi ko pa alam kung paano ba ito gamitin.Inilagay ko muna ito sandali sa bulsa ng coat ko saka nag madali ng mag lakad kaso lang natigil ako ng may biglang nahulog sa hagdan at hindi ko inasahan ang sumunod kong nakita.

"Masyado kang pabebe alamo ba yon!?"

Gigil na wika ni Thessi saka kwinelyuhan yung babae na ngayon ko lang napagtanto kung sino.

Si Alliana

"Stop pretending that your quietly innocent!Why don't you show who really are you!?"

Malakas syang sinampal ni Limiera na ikinagulat ko.Hindi agad ako naka kilos dahil sa nakikita ko sa kanya.Mabait si Limiera na may pag ka childish but i didn't know na kaya nyang manakit ng ganito at saka

Bakit nya sinasaktan si Alliana?

"Silent but deadly slut!You know it's not your thing to pretend to be a nice girl when we know your not!!Alam mo bang ayoko sa mapag panggap!!!"

Matapos sumigaw ni Limiera ay sapilitang itinayo ni Thessi si Alliana at malakas na sinuntok kung kaya't natumba sya sa sahig habang si Limiera ay pinaulanan sya ng sipa sa iba't ibang parte ng katawan ng babae.Napakilos agad ako dahil matigas ang sapatos ni Limiera at imposibleng hindi mag pasa ang bawat tama nito sa katawan ni Alliana.

"Limiera tama na!!"

Sigaw ko saka sya marahang hinila palayo kay Alliana na alam kong pinipigilan ang sariling iyak dahil tanging pag habol lang sa hininga ang naririnig ko.

"S-sagi"

Nagulat sya ng makita ako and even Thessi was too stuned to move when she saw me.

"Ano bang ginagawa mo!?At bakit nananakit ka ng tao!?"

Hindi ko na mapigilang hindi mag taas ng boses dahil nakikita ko sa kanya yung mga nambubully sakin dati kaya naman lahat ng dugo ko sa katawan ay tumaas sa ulo ko.

"I-i"

Hindi sya makahanap ng tamang term sa ginawa nya kaya naman nahihirapan syang mag salita.Huminga ako ng malalim saka sya tinalikuran at naupo para tingnan ang lagay ni Alliana.

Bakit hindi sya lumaban kung ganong alam ko naman ang capability nya sa mga ganitong situation?

"S-sagi l-let her go and don't touch her.She's a flirt and a slut at the moment k-kaya dapat lang yan sa kanya kaya tara naa"

Sinubukan nya akong hilahin sa braso para lumayo kay Alliana pero tinapik ko lang yon dahil mas kailangan ni Alliana ng tulong kumpara sa gusto ni Limiera.

"Ano ba!?"

Inis na singhal ko ng humarang sya sa daraanan namin ng maitayo ko si Alliana.

"S-sagi..."

Animong maiiyak na tawag sakin ni Limiera saka ako hinawakan ulit sa braso pero tiningnan ko lang sya bago padabog na hilahin yon bago gawan ng paraan na maipiggy ride si Alliana saka ako dahan dahang nag lakad para madala sya sa clinic pero kamalas malasang walang nurse na naka duty kaya naman marahan ko syang inihiga sa bed at mabilis na kumuha ng mga gamit na naroon upang gamutin ang sugat ni Alliana.

"Umalis kana"

Bahagya akong natigil sa pagkuha ng betadine dahil sa sinabi nya pero nag tuloy ako dahil mas kailangan nyang magamot ngayon.Lumapit ako saka nilagyan ng cleaning liquid yung cotton bago idampi sana sa labi nyang pumutok sa pag kakasuntok ni Thessi pero tinabig nya yung kamay ko.

Love and LieWhere stories live. Discover now