CHAPTER 35

2 0 0
                                    

Chapter 35

Leo's Pov

"Damn it!"

Mura ko ng may mga pulis ng rumespunde sa hide out namin at isa isa ng nauubos ang mga tauhan ko.Tuliro akong umiikot habang nag iisip ng paraan para hindi mahuli ng mga pulis habang wala pa ang helicopter.

Tangina!Mabubulilyaso pa ang plano ko!

Inis akong napaharap kay Sagi at kay Hellion dahil sila ang dahilan kung bakit nabulilyaso ang mga plano ko.Agad akong lumapit sa walangyang Hellion nayon saka ko tinapakan ang paa nyang may tama na ng bala.Napasigaw sya sa sakit kung kaya't natuwa ako kahit papano dahil nagantihan ko ang pang sisira nya sa reputasyon ko pero mas maganda ata kung papatayin ko sya harap ng long lost sister nya.

Parang masaya nga yon kung may oras pa akong mahanap ang depungal nyang kapatid na yon!

Binalingan ko si Sagi na masamang nakatingin sakin habang hawak ang likod ng ulo nyang kanina pa nag durugo.Nginisian ko sya saka lumapit at hinawakan sya sa panga.

"Kinagagalak kong makitang unti unti kang malagutan ng hininga at dito pa mismo sa harapan ng mga kaibigan mo.Hindi ba't masaya yon?"

Nginisian ko sya para asarin pero nawala rin ng bigyan nya ako ng isang matamis na ngisi na ikinainis ko ng sobra kaya diniinan ko ang pag hawak sa panga nya.

"Mamamatay kana't lahat pinakukulo mo parin ang dugo ko!!!Kung naging mabuti kalang sana sakin noon at hinayaan mong mag kasama kami ng kapatid mo hindi sana tayo aabot sa ganito!!!"

Singhal ko sa kanya na tumawa na mistulang mababaliw na kaya napatayo ako at humiwalay sa kanya.Napaatras ako ng tumayo sya at walang buhay na tumitig sa mga mata ko bago dahan dahang humakbang palapit sakin.

"N-n-naga....nagagalak kabang makita akong nag hihirap?A-ko?Hindi mo ba ako tatanungin kung anong ikinagagalak ko?"

Nakaloloko nyang tanong sakin kaya naman sa takot ko ay itinutok ko ang baril sa kanya na nakapag patigil sa pag hakbang nya pero ang ngisi sa labi nya ay hindi parin nawawala.

Nababaliw na ang isang to

"Wala akong pakealam sa nararamdaman mo!!!!Mamatay kana at ng mabitawan kana ng ate mo dahil ikaw lang naman ang nag iisang pabigat sa buhay na mayron sya ngayon!!!!"

Sigaw ko sa kanya na parang hindi man lang natinag dahil humakbang sya palapit sakin saka hinawakan ang ulo ng baril sa kamay ko na ikinagulat ko.

"Gagaan lang ang buhay nya kung mamatay ka at mabubulok sa impyerno pero kung pabigat lang din ang tingin mo sakin para sa kanya pwes bat hindi pa tayo sabay mag pakamatay tutal mas nakagagalak na may kasabay"

Nanlaki ang mata ko ng biglang sumibol ang mala demonyong ngisi nya saka nakipag agawan sakin ng baril.Inialis ko ang daliri ko sa gatilyo dahil hindi pa ito ang tamang oras para mamatay sya kaya naman todo atras ako habang sya ay pasugod.

"S-sagi h-hindi!!"

Rinig kong sigaw ng lalaking anak nung Leomir na boyfriend ni Mari.Nakita ko syang tumayo pero natumba rin agad dahil sa pang hihina.

"Tangina!!!"

Mura ko ng mapasandal ako sa railing ng rooftop at isang maling galaw ko lang ay posibleng mahulog ako kaya naman nag ingat ako ng todo sa pakikipag agawan sa baril sa batang ito.Hinampas ko sya sa ulo ng malakas saka siniko sa tagiliran ngunit naging maling hakbang yon para sa kanya dahil sa isang iglap ay nakasabit na sya sa railing at anytime ay pwede ng mahulog sa napaka taas na building na ito.

Love and LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon