Olympus Academy

32.6K 2.3K 3.7K
                                    

Reign's POV

Lumabas ako ng Admission Room at dumiretso kay Henri na nakaupo sa isa sa mga bench na nakahanay sa corridors.

Napatayo naman siya nang mapansin ako.

"Pasensya na kung pinahintay kita, ah?" sabi ko nang makarating sa harap niya. "Dapat kasi si Paige yung magbibigay ng tour sa'yo, eh."

Wala akong natamong sagot sa kanya dahil nakatuon ang kanyang atensyon sa mga estudyanteng nakapalibot sa'min.

Hindi ko na kailangang umikot para malamang lahat sa kanila'y nakatingin sa'min. "And please excuse our students," dagdag ko. "Ewan ko ba kung bakit di sila nahihiyang tumitig sa iba."

"I'm used to it." Sinalubong niya ang aking tingin. "In the Underworld."

Tumango-tango ako. "So, you have your map and brochure?"

Ipinakita niya sa'kin ang mga ito na nasa kamay niya.

Napangiti ako. "Tara?"

Tinitigan niya lang ako bilang sagot, dahilan na matawa ako.

"Ba't ang tahimik mo na?" tanong ko. "Parang hindi mo lang ako pinagbantaan kanina sa Admission Room."

Letting out a sigh, he gently smiled, na siyang ikinagulat ko.

He seemed calm now that we're not alone. I can't feel any threat from him. Naglaho na rin ang kakaibang lamig at bigat sa hangin na dala ng presensya niya.

"I only talk when the time's right," mahinahon niyang sagot.

No, he's awfully calm. Like he knows everything.

He's able to shift the atmosphere anytime he wanted, at nabibilang lang ang mga taong kilala ko na bihasa nang manipulahin ang kapaligiran nila gamit lang ang kanilang sariling presensya.

My Dad always told me that only one ability can make someone truly powerful. 

What makes someone powerful, he said. Is their ability to control themselves.

"Henri," sambit ko. "Are you really..."

"The son of Destiny?" pagtatapos niya.

Tumango ako.

"If I am, would you believe it?"

Hindi agad ako nakasagot. Sa halip, kumunot ang aking noo nang mapansing may kakaiba sa kanyang mga mata.

"Your eyes..." Napag-alaman ko kung ano ang nagdulot ng katingkaran nito. "They're gold."

Dahan-dahang bumaba ang kanyang mga mata sa nakaawang kong bibig.

"You have golden mist inside your eyes," napagtanto ko.

Namuo ang isang malambot na ngiti sa kanyang labi. "Mmm."

"That's cool," puna ko pa, na ikinalapad ng kanyang ngiti.

"So are yours."

Tumikom ang aking bibig nang maalala ang huling itinanong niya sa'kin. "I believe you," sagot ko, kahit alam kong may bahagi sa'kin na hindi pa rin sigurado.

I'm not giving him the benefit of the doubt. I will try to believe him, because he's an Omega.

"People love and fear you at the same time, Reign," malumanay niyang sabi. "Do you know why?"

Napangiti ako. "Because I'm the daughter of the scion and the rose?"

"No," sagot niya. "It's because you're who you are."

Legends of Olympus (On Hold)Where stories live. Discover now