Spells

27K 2.2K 3.9K
                                    

Reign's POV

Masigla kong tinulak ang mga pintuan ng aking walk-in closet kung saan sinalubong ako ng pinagpapatong-patong na mga kahon. May ibang nabuksan ko na at may iba ring hindi ko pa nabubuksan.

Nakapameywang ako.

"Patay ako kay Mama at Dad nito..." bulong ko, ngunit nang nakangiti pa rin, dahil naalala kong ni piso walang akong nagastos para sa lahat ng pinamili ko.

Nanliit ang aking mga mata sabay ngisi nang malapad.

Thank you, Henri.

Dahil sa kanya, kagabi pa ako pabalik-balik sa pagsarado at pagbukas ng closet, tila hindi makapaniwala sa magandang kapalit ng pagdepensa ko sa kanya mula sa council.

Sabi ko na nga bang tama yung desisyon ko, eh.

Nakarinig ako ng mga katok mula sa pinto kaya napalingon ako rito. 

Kumunot ang aking noo.

Ba't ang aga pa ata para mag-submit si Paige ng schedule?

Sinarado ko ang closet at lumapit dito.

Pagbukas ko, bumungad sa'kin si Henri na naka-uniform na.

"Reign, have you-" Napatigil siya.

Bumaba ang kanyang mga mata dahilan na mapayuko rin ako.

Bahagyang bumukas ang aking bibig nang mapagtantong hindi pa pala ako nakapagbihis sa uniform ko kaya't naka-maikling night gown lang ako. Gawa ito sa manipis na silk at kulay pastel pink pa. Maluwag na nakakapit ang maliit na sleeves sa magkabilang balikat ko at kung hindi sa buhok kong nakabagsak sa harapan, eh di sana kanina pa niya nakita ang bakat ng aking dibdib.

"Have you seen my ID?"

Sinarado ko ang pinto.

Hindi. Hindi nangyari 'yon.

Natawa ako nang mahina saka kinuha ang tuwalya na nakasabit sa clothing rack. Sa tabi nito ay may mahabang salamin kung saan napatingin ako sa sarili ko.

Hindi talaga.

Kagigising ko lang at naaalimpungatan pa ako kaya imposibleng nakita ko si Henri at nakita niya rin ako na ganito ang hitsura.

Pumasok ako ng banyo at dumiretso sa ilalim ng shower. Pinihit ko ang knob nito at sa sandaling naramdaman ko ang pagtama ng tubig sa aking balat, kusang nanigas ang buong katawan ko.

Hindi. Imposible talagang nangyari 'yon. Kasi kung oo- pinigilan ko ang aking sarili na marakamdam ng hiya.

Nagpakawala ako ng isang mahinang tawa, ngunit ilang sandali pa'y napayuko rin ako ng ulo at malakas na napatampal sa aking noo.

It happened, didn't it?

Umalingawngaw sa aking pandinig ang papalakas na kulog mula sa labas.

"Henri-" mahina kong sambit, kahit naisigaw ko na yung pangalan niya sa aking isipan dahil sa idinulot niya sa'king kahihiyan.

Dahil hindi ako sanay. Hindi ako sanay mapahiya nang ganito!

Bago pa may mamuong bagyo malapit sa dorm, dahan-dahan kong ibinaba ang aking kamay.

Naalala kong may PE nga pala kami mamaya.

Kumibot-kibot ang isang sulok ng aking labi nang iangat ko ito. Ikinuyom ko ang aking mga palad at sa huling pagkakataon, narinig ko ang malakas na paglagapak ng kulog sa mismong ibabaw ng bubong dahilan na gumalaw nang kaunti ang dorm.

Legends of Olympus (On Hold)Where stories live. Discover now