Loyalty

24.2K 2.2K 3.4K
                                    

Reign's POV

At dahil naigagalaw ko na yung kamay ko, ang una kong ginawa ay tawagin si Henri at sinampal siya.

"What-" Napahawak siya sa kanyang pisngi. "What in the hell was that for?"

Hindi ako sumagot at sinampal siya sa kabilang pisngi nang mas malakas kaya bahagyang napapihit ang kanyang ulo.

He clenched his jaw and lightly touched the red mark I left on his other cheek. 

Namamahamak ang kanyang mga mata nang tignan ako. "What the fuck, Reign?"

Bahagyang napabukas ang aking bibig, hindi makapaniwala sa reaksyon niya. "Ikaw pa talaga ang may lakas ng loob na murahin ako?"

Napansin ko ang paglalim ng bawat hugot niya ng hangin dahil sa namumuong galit. Madahan niyang hinagod-hagod ang kanyang panga bago ibaba ang kanyang kamay.

"You took advantage of me." Panandalian kong sinulyapan ang kamay niyang kumuyom. "You kissed me while you knew I couldn't stop you-" May napagtanto ako. "You know what? Maybe the reason why you kissed me was because you knew. You knew I can't do anything-"

"Reign," he said under his breath. "I didn't-"

"Tumahimik ka," pagpuputol ko sa sasabihin niya. "Hindi ko tatanggapin kung ano mang dahilan mo-"

"You're right."

Napatigil ako.

"I'm sorry." Dahan-dahang bumukas ang kanyang palad. Kasabay din nito ang paglambot ng kanyang pagtingin sa'kin. "I'm sorry for stealing a kiss from you."

"I'm never forgiving you," saad ko.

"Mmm." He hummed in disbelief, and even squinted his eyes as his gaze drifted down to my lips.

"If you're going to kiss me again, I swear-"

Umiling siya.

"Then stop looking at me like that."

Yumuko ng kaunti ang kanyang ulo. Natawa siya nang mahina bago muling iangat ang kanyang tingin sa'kin.

"You can steal it back any time you want," sabi niya.

Nagkasalubong ang aking kilay. "Steal what back?"

"Your first kiss."

Tuluyan na ngang bumigat ang aking panga. "Wha-" Naramdaman ko ang matuling pagtakbo ng dugo sa aking magkabilang pisngi.

"E-Excuse me." Nagpakawala ako ng naaasiwang tawa. "Hindi ko first kiss 'yon."

Matagal-tagal niya lang akong tinitigan.

"Hindi nga sabi!" naiinis kong sigaw.

As if naman hahayaan kong iisipin niya kung gaano siya kaswerte! Eh halata namang hindi niya pinagsisihan ang ginawa niya!

"If you say so," sang-ayon niya gamit ang hindi sumasang-ayong tono.

Tapos na akong nalungkot dahil nakaw na halik 'yong first kiss ko kaya ngayon, galit na ako sa nagnakaw nito.

Tinawanan niya lang ako na sinusumpa siya gamit ang aking mga mata.

"Papatayin kita," pagbabanta ko sa kanya.

"Sure," kampante niyang sagot.

"Why are you taking me lightly?" naiirita kong tanong. "Akala mo ba hindi ko kayang gawin ang pinagsasabi ko?"

Legends of Olympus (On Hold)Where stories live. Discover now