The Noise

19.5K 1.6K 1.1K
                                    

Reign's POV

Labag sa loob akong nakatitig sa pinto ng kwarto habang tinatapik nang magkasunod-sunod ang aking mga daliri sa katabi kong mesa.

"This is stupid," bulong ko. This is dumb.

Hindi ako pwedeng manatili lang dito, kahit anong kumbinsi ko sa sarili na ibigay ang buong tiwala ko kay Henri.

Tumigil sa paggalaw ang aking kamay nang pumasok ang isang aurai na may dalang tray ng pagkain.

"Good evening, Miss Reign," bati niya sa'kin nang nakangiti.

Umayos ako sa pagkakaupo sa bahagyang nakaangat na higaan. Ibinaba ko na rin ang kamay ko mula sa mesa at minasdan ang aurai na inaayos ang maliit kong hapagkainan sa aking harapan.

"Glad to see you still here after your guardian left an hour ago," bigla niyang puna.

Otomatikong kumunot ang aking noo.

"He convinced the doctor to keep an uptight security..." natatawa niyang sabi. "To prevent you from..." Hindi niya tinapos ang sinabi niya at sa halip ay sinulyapan lang ako, nang natatawa pa rin.

Bahagyang bumukas ang aking bibig, hindi makapaniwala, bago natawa nang mahina.

"Right," sagot ko.

Dahan-dahang gumilid ang aking paningin nang nakasingkit ang aking mga mata.

Henri.

I made a show of trust, before he left. Ipinakita, kamuntikan nang sabihin sa kanya, na pinagkakatiwalaan ko siya.

Pero siya, hindi kayang magtiwala sa'kin.

He has a point, of course, of not trusting me entirely to stay put.

But the least he could have done is to let me slip out easily. Instead, he put me under a spell, and as if that was not enough, pinahigpitan niya rin ang security sa clinic.

"You're fortunate, Miss." Pagkatapos ayusin ang pagkakalagay ng bedtray sa aking harapan, madahang pinagpag ng nurse ang kumot na nakapatong sa ibabang bahagi ng katawan ko.

Tinignan ko siya.

"Everyone around you only has good intentions for you." Lumapad ang kanyang ngiti nang umayos siya nang tayo. "You're loved and cared for."

Matagal-tagal akong napatitig sa kanya.

"I am..." Sa hindi malamang dahilan, nanghina ang aking boses. Siguro dahil hindi ko aakalaing sasabihin niya 'yon, ngunit sang-ayon naman ako. "-more than blessed to have them."

It's not a bad thing to be reminded of how fortunate I am of my family and friends.

"You're new," napagtanto ko.

Tumango siya at akmang aalis na nang pigilan ko siya.

"Wait," sambit ko. "Where'd you come from?"

Umikot siya upang harapin ako. Napansin ko ang pagbahid ng pait sa noo'y manamis-namis niyang ngiti.

"I-uhh-" Halatang nagdadalawang-isip siyang sagutin ako.

Ilang sandali pa'y nginitian ko siya. "It's okay." I gave her a reassuring nod. "Hindi mo naman kailangang sumagot."

Tumikom ang kanyang bibig.

"Thank you for preparing my meal," dagdag ko. "I'll make sure to enjoy it."

Kumurap-kurap siya bago ipagdaop ang kanyang mga palad sa harap ng kanyang palda bago yumuko.

Legends of Olympus (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon