Figures

24.6K 2K 2.9K
                                    

Reign's POV

Kumatok ako sa kwarto ni Zack. Ilang sandali pa'y binuksan niya ito nang inaantok pa rin ang mga mata, at tila namimigat pa ang katawan.

Napangiti ako at inilabas mula sa aking likod ang isang tub ng red velvet ice cream. "Ice cream?"

Matagal-tagal siyang napatitig dito.

Inilapit ko sa kanya ang ice cream. "I said I'm sorry."

Natawa siya nang mahina at humakbang paatras para pagbuksan ako ng pinto. Masaya naman akong pumasok sa kwarto niya at dumiretso sa maliit na sofa sa mini-lounge area niya.

Umupo ako rito at binuksan ang tub. Pagkarating niya sa tabi ko, inabot ko sa kanya ang isa sa dalawang teaspoons na dala ko rin.

"Your lightning marks are gone," puna ko.

"Wow naman, Reign." Inagaw niya ang ice cream mula sa kamay ko. "Parang di ikaw may kasalanan, ah."

I grabbed a spoonful of the ice cream and ate it, before leaning on the armrest. I lifted my legs and gently folded them on top of the seat.

Nakapangalumbaba ako habang nakaharap kay Zack na ipinatong din ang isang paa niya sa sofa sabay hilig sa kabilang armrest.

"Kasalanan ko ba talaga?" tanong ko. "Eh, gusto ko lang naman manalo."

Tinapunan niya ako ng tamad na tingin. "Salamat sa ice cream, Reign. Pwede ka nang umalis."

"Zack naman, eh." Tinanggap ko ang ice cream na ipinasa niya sa'kin. Bumalik ako sa pagkakasandal at nagsimulang kainin 'to. "Hindi ko talaga sinadya 'yon. Balak ko lang takutin kayo."

"Oh, sige nga." Siya na naman ang nakapangalumbaba. "Ba't ako napunta sa ICU?"

Itinaas ko ang aking kutsara at sasagot na sana nang mapagtantong hindi pala magiging sapat yung sagot ko.

Umangat ang magkabilang kilay ni Zack.

Napabuntong-hininga ako.

Inilahad niya ang kanyang kamay at sinenyasan akong iabot sa kanya yung ice cream na ginawa ko naman.

"Reign," sambit niya nang matanggap ito. "Kumusta yung sugat mo?"

Napakurap-kurap lang ako bilang sagot.

"Natamaan kita ng isang beses, diba?" tanong pa niya. "Nung pinagbabato kita ng mga patalim ni Grey."

"Ah- haha..." I let out an awkward laugh. "It's gone, now."

"Kanina, bago ako ma-discharge, nagtanong ako kung may record ka ba sa clinic sa araw na 'yon at wala," sabi niya. "Yung totoo, Reign, gusto mo bang unahan sa pagkamatay si Bella?"

"It wasn't that deep, though," tugon ko at kinuha ang tub mula sa kamay niya. "And besides, like what I said, it's already gone."

Ramdam ko ang nababagot niyang tingin habang nawiwili ako sa ice cream.

"Reign."

Hindi ko siya binalingan. "Don't look at me like that."

"Ikaw lang ang kilala kong top student na bobo."

Niwalang-kibo ko ang sinabi niya at nagpatuloy sa pag-kain ng ice cream. Tahimik lang siya habang minamasdan ako at hinayaan ko lang naman siya.

Bigla kaming nakarinig ng mga katok sa pinto kaya sabay kaming napatingin dito. Naglaho si Zack sa tabi ko at nagpakita ulit nang nakahawak na sa pihitan. 

Legends of Olympus (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon