Languages

23.5K 2.1K 3.3K
                                    

Reign's POV

"You like the balcony, too?" Nakapalikod ang aking mga kamay nang bigla akong sumulpot sa likod ni Henri at bahagyang sumilip kung ano ang sinusulat niya sa libro.

Hindi niya ako binalingan ng tingin at nagpatuloy sa pagsasagot. "Mmm."

I walked around the circular table and sat on the chair next to him. "Sa Language na assignment ba natin 'yan?" tanong ko. "Want me to help you?"

"No." Inangat niya ang kanyang ulo sa'kin. "But thank you."

"So, what language did you choose to study?" usisa ko.

Napatingin siya sa libro na nakabuklat sa kanyang harapan. "Old Latin."

Lumiwanag ang aking mukha. "Pareho tayo."

So, kaya pala mag-isa siya rito habang yung iba ay nasa ibaba para magtulong-tulungan sa pagsagot ay dahil ang pinili niyang language ay isa sa mga pinakamahirap, kaya walang masyadong gustong mag-aral nito.

Napangiti si Henri sa reaksyon ko.

Dagliang bumaba ang aking mga mata sa labi niya nang mapansing hindi ito kagaya ng ngiting nasilayan ko noong una ko siyang natagpuan sa balcony.

"Why Latin?" tanong ko.

He leaned back against his chair and sighed as he closed the book. "Why are you here, Reign?"

Napatigil ako, pero panandalian lang dahil agad din akong napangiti.

Bahagyang pumiling sa gilid ang kanyang ulo, halatang naghihintay ng sagot, pero hindi na ako nagsalita pa.

After noticing that I wasn't going to answer, he slightly parted his lips, revealing his tongue that he pressed gently against his cheek. Then, he chuckled and started spinning the pen in his hand.

"It was you, wasn't it?" tanong niya. "When I thought I was alone in the balcony that one night."

Natawa ako nang mahina saka tumango.

"It lightly rained that night," aniya. "Why?"

I pursed my lips and slowly looked down on the book where his hand was resting. "Sa totoo lang, hindi ko rin alam..."

"Anyway." I was quick to change the topic. "Ngayong alam ko nang may kasama naman pala ako sa Language, gusto mo sabay na tayong mag-assignment?"

Hindi siya sumagot at itinuon ang kanyang atensyon sa pinaglalaruan niyang pen sa kamay, halatang pinag-iisipan ng husto ang katanungan ko na para bang nakasalalay dito ang buong buhay niya.

"There you go again," puna ko.

Tinignan niya ako. "Go what again?"

"You have this habit of spacing out sometimes," sagot ko. "Tinanong lang naman kita kung gusto mo bang magpasama sa paggawa ng assignments, tapos kung makatingin ka sa malayo akala mo inaya kitang magpatayan."

He lowered his head and laughed softly, dahilan na mapangiti ako.

"Reign," sambit niya. "Do you believe in consequences?"

"Of course," sagot ko. "Every time I get called in the counselor's office is a consequence."

"Then what do you think is going to be the consequence if we do our assignments together?"

"Babagsak ka kasi di ko hahayaang lamangan mo pati grades ko sa Language?" nangunguryuso kong tugon.

"Yes, definitely," natatawa niyang sabi.

Legends of Olympus (On Hold)Where stories live. Discover now