Auraic Studies

24.5K 1.9K 2.1K
                                    

Reign's POV

Nagmamadali akong naglakad patungo sa Auraic Room. Pagkapasok ko, mabilis na napalingon ang Omegas sa'kin pati na rin ang bagong professor namin sa Auraic Studies na si Sir Archie.

 "You're ten minutes late, Reign," sabi ni Sir.

The Auraic Room, or what we call the meditation room, is where we meditate to control our aura.

And inside the large and empty room, I found my classmates seated on cushioned mats on the floor, forming a large circle.

"I'm sorry." Sinundan nila ako ng tingin nang maupo ako sa bakanteng cushion, katabi ni Paige. "I woke up late."

I straightened my back, folded my legs and crossed them on the floor, following a proper meditation position.

Nilingon ko si Sir na nakatayo. "I slept late, and I had to follow up something in the post office."

Totoo naman talaga. Simula nang dumating si Henri, ginulgol ko na lahat ng oras ko bago matulog sa pangangalap ng impormasyon tungkol kay Destiny. 

Nakalimutan ko ring sabihan si Mama nung huli naming kita na kailangan ko ang tulong niya, kaya dumaan ako sa post office ng Academy para i-check kung naipadala na ba ni Grey ang sulat para kay Mama.

Gusto ko kasing makita lahat ng interaksyon nina mama kay Destiny, at pag-aralan ito.

"You're lucky we're doing meditation for our first session, and not training," sabi ni Sir. "I'll excuse you but only this time."

Palihim akong napabuntong-hininga at napaharap, kay Henri na bahagyang umangat ang isang sulok ng labi, tila nasisiyahan na mapagalitan ako.

Panandaliang nanliit ang aking mga matang nakatuon sa kanya.

"Alright class, before we go on the actual meditation, let us review the basics of this subject," tugon ni Sir. "First, its history."

Itinaas ko ang aking kamay.

"Proceed, Reign."

"Auraic Studies is a specialized subject established by the founders of the school after they graduated, and after they fought against chaos," sabi ko. "They realized that students need to train not just our god-inherited abilities, but also our ability to control chaos within each one of us."

"Define chaos, Grey," utos ni Sir kaya napalingon kaming lahat kay Grey na nakapangalumbaba sa kanyang hita habang nakapikit.

Mula sa upuan ko, gumapang ang kuryente sa sahig at tumungo sa ilalim ng upuan niya. Ilang sandali pa'y bigla siyang nagising sabay tingin kay Sir.

"Say that again?" aniya.

Kapansin-pansin ang pag-iwas ng tingin ng iba mula sa kanya habang nagpipigil ng tawa.

Matagal-tagal na napatitig si Sir sa kanya, bago napabuntong-hininga. "The definition of chaos, Grey."

Umayos siya sa pagkakaupo saka tumikhim. "Chaos, by definition means complete disorder or confusion," sagot niya. "But in Greek Mythology, Chaos was the first ever god to exist. He was the nothingness, that came before the creation of the universe."

"Since we were created by Chaos, chaos also lives within us." Nagsimulang maglakad si Sir para paikutan kami. "And in this subject, you are going to teach yourself how to control chaos inside you."

"Paige, what happens when you can't control chaos?" tanong niya.

"You're easily weakened, Sir," sagot ni Paige. "If you let chaos control you, then you're letting your fears and weaknesses control you, and that will lead to ultimate destruction, where you are capable of destroying yourself and everything around you."

Legends of Olympus (On Hold)On viuen les histories. Descobreix ara