Sweet Sixteenth (Special Chapter)

15.5K 869 813
                                    

Reign's POV

"Ano nga palang gusto mong gawin bukas, Reign?" tanong ni Mama habang namimili kami ng mga damit sa paborito naming vintage shop sa France.

"Mmm..." Hinawi ko ang iilang blouses. "I don't know, Mom..."

Napansin kong tumigil siya.

"Birthday mo bukas," paalala niya.

"Alam ko po," natatawa ko namang sagot.

Umiling-iling siya nang nandidilat ang mga mata, tila naghihintay na may sasabihin pa ako. Kung anong gusto kong gawin para sa birthday ko siguro.

Marahan akong natawa. "Ma..." sambit ko. "A simple dinner will do."

Bumalik siya pamimili ng mga damit. "Ayaw mo ng kabayo?" aniya. "O di kaya owl?" Inangat niya ang kanyang tingin sa'kin. "Bagong weapon?"

Muli akong natawa. "Ma."

Gumuhit ang isang natutuwang ngiti sa kanyang labi. "Sinasabi ko lang naman..." mahina niyang sabi. "Yung Dad mo kasi, pinaalala sa'kin kung anong mga regalo ang natanggap nung iba para sa kaarawan nila ngayong taon. Kaninang umaga pa siya tanong nang tanong sa'kin kung may gusto ka ba raw para sa birthday mo."

"Kaya ba umalis ka?" napagtanto ko.

She gently laughed and nodded her head. "Mmm."

"What did you tell him?" usisa ko.

Maingay siyang bumuntong-hininga. "Sabi ko dinner lang din." Itinaas niya mula sa nakahanay na mga damit ang isang pastel blue dress. "Pero siya ata yung magbi-birthday bukas, eh, kasi ayaw niya ng dinner lang."

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi upang pigilan ang isang halakhak. "Si Kuya rin."

Tinignan niya ako. "Kaya ba pumayag ka agad na lumabas tayo?"

We slightly tilted our heads to the side and gave each other an empathetic look. Tapos, sabay na rin kaming natawa.

"Pero sigurado ka ba talagang wala kang gusto?" tanong niya. "Yung gustong-gusto? O yung nakalimutan mong gusto mo pala?"

Mahinahon akong umiling.

"Polaroid camera?"

Nang salubungin ko ang nangunguryoso niyang mga mata, namuo ang isang nananabik na ngiti sa labi ni Mama.

She teasingly rolled her eyes from side to side. "Yung..." Kumibit-balikat siya. "Yung ballpen na katulad nung akin pero blue?"

I slowly crossed my arms against my chest. "Sa'n naman galing 'yang mga 'yan?"

"Nakikita ko mga ala-ala mo, anak." Nginitian niya ako. "Nakita ko kung anu-anong mga bagay ang matagal mong tinitigan pero hindi mo binili o kinuha."

"Fair enough." Tumango-tango ako. "But that doesn't mean I wanted it."

"Reign," her tone lowered. "Kilala kita."

"You didn't get me all those things, did you?" I asked.

Kinisap-kisapan niya lang ako.

Umangat ang aking magkabilang kilay. "Ma."

"Pardon." Kasunod niyang tinawag ang isa sa mga salesperson. "J'aimerai vous acheter cette robe."

I let out a defeated sigh, though I shouldn't be, because I should've known she would do something like this.

Legends of Olympus (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon