CAPITULO 2 - Zero

66.3K 4.2K 1.6K
                                    

CAPITULO 2


NGUMITI?


Akala ko ba hindi ngumingiti si Gabriel Juan Salgado matapos niyang maka-recover? O namalik-mata lang ako? At kinausap niya nga ba talaga ako? Sinulyapan ko siya na ngayon ay nayukyok na ulit sa armchair.


Habang nagkaklase ay hindi na pala ako sa blackboard nakatingin kundi sa kanya na. Hindi ko na siya crush, pero curious ako. Ang sabi-sabi ay nag-iba na siya, nakakailang ng makasama at may kung ano sa kanya na matatakot ka. Ganoon din naman ang naramdaman ko kanina... until ngumiti siya.


Vibrate ng phone ko sa bulsa ang pumukaw sa aking diwa na naglalakbay. Napakurap ako nang ma-realized na ang tagal ko na palang nakatingin kay El. Inilabas ko ang phone para i-check. Galing ang text message sa kaibigan kong si Bhing.


Bhing:

Talande.


Napakagat labi ako at sumulyap muli kay El. Nakayukyok pa rin siya sa armchair niya.


Nag-type ako ng reply para kay Bhing.


Me:

Inggit ka ba? Gusto mo makipag-change seat?


Bhing:

Support na lang ako. Ako na lang magpapangalan sa magiging anak niyo :p


Ibinalik ko na ang phone sa bulsa. Tumingin ako sa unahan kung saan nakaupo si Bhing. Kumidat ito na sanhi ng pamumula ng mukha ko. Ibinuka ko ang bibig para sa walang boses na salita, 'BALIW...'



15 MINUTE RECESS.


Ang kaibigan kong si Bhing ay umalis para mag-recess. Hindi na nag-abala na tawagin ako dahil alam niyang hindi ako sasama. Sanay na siya na dati pa ay hindi na ako kumakain kapag mga maiiksing break lang.


Lumabas na rin ang ibang kaklase namin. Lahat maliban sa akin... at sa lalaking katabi ko—si Gabriel Juan o El.


Nandito rin si El at mukhang wala ring balak lumabas na katulad ko. Wala siyang kakilos-kilos mula pa kanina. Parang pumasok lang talaga siya para matulog sa amchair niya. Hindi naman siya sinisita ng mga teachers. Siguro dahil nga galing siya sa sakit kaya may espesyal na konsiderasyon.


15 minutes na break lang pero wala talagang natirang estudyante sa room maliban sa aming dalawa ni El. Lahat yata ay gutom at gustong lumabas. Ang tahimik tuloy lalo ng room.  


Sobrang tahimik talaga lalo pa at ang room namin ang nasa pinakadulo ng building. Nangalumbaba ako sa armchair habang pinapatay ang oras. Nakaantok ang ambiance dahil bukod sa isang bombilya lang ang gumagana, may malaking puno pa na nakaharang sa harapan na dahilan kaya malilim.


Napapapikit na ako sa kinauupuan nang may pumasok sa pinto na isang lalaking estudyante. Malinis na malinis ang suot nitong puting polo. Hinas na hinas din ang clean cut na buhok. Bata pa. Hindi pamilyar. Mukhang galing sa junior high campus sa kabila. Tumigil ito sa harapan na parang may hinahanap.

Beware of the Class PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon