CAPITULO 21 - Rosary

48.5K 2.8K 1.6K
                                    

CAPITULO 21


MAY KUMALABOG SA PINTO.


Palapit doon si Joachim nang abutin ko siya sa braso. "W-wag..."


Nagtataka naman siya. Hindi na naulit ang kalabog. Nakatulog na kami ni Joachim habang may unan sa pagitan namin. Sa aking pagkakapikit ay isang senaryo ang unti-unting nabuo sa balintataw ko.


Panaginip lang ito, alam ko. Gayunpaman, parang totoong-totoo ang pakiramdam. Nakalutang daw ako sa kawalan. Madilim, wala akong makita na kahit ano. Hindi mainit, hindi rin malamig. Parang nanlalaki ang ulo ko.


May naririnig akong mga bulong. Ah, hindi pala basta bulong, kundi mga iyak at pagmamakaawa ng mga pamilyar na boses. Nagmimistulan lang na bulong ang mga iyon dahil sa sobrang hina ng dating sa akin.


Ang isa ay nakilala ko... parang boses ni Bhing? "Kena, miss na miss na kita. Sorry kung ngayon lang ulit ako, ah? Marami kasi akong trabaho sa Manila. Hirap din akong makauwi rito sa atin. Pero hindi naman kita nakakalimutan kahit kailan."


Ha? Anong pinagsasasabi nito?


May isa pang boses. Bagama't parang tumanda ang boses ay pamilyar din sa akin. "You'll get through this, Kena. Hindi nga ba't sinabi ko sa iyo, matatag ka at mabuti kang tao. Subalit Kena, hindi sapat iyon. Kailangan mo ring maniwala sa Kanya."


Sister Gelai?


May iba pang mga boses sa background. Mga boses ng lalaki. Nag-uusap. Seryoso. Hindi ko maintindihan ang topic, gayunman ay alam kong tungkol iyon sa akin. Nagulat ako nang mabosesan ang dalawa. Sina Joachim at Kit?!


Ano iyon? Bakit ganoon? At saka parang nag-matured ang boses nila? Tapos narinig ko rin si Julian. Pinagsasabihan niya ang dalawa na wag magtalo sa harapan ko. Na kung magtatalo lang din ay doon dapat sa labas.


Sinikap kong gumalaw, sinikap kong magsalita, kaya lang ay para akong nakagapos ng gapos na hindi nakikita. Para ding may takip ang aking bibig na takip na hindi rin nakikita.


Ah, panaginip lang ito. Hindi ko ito dapat sineseryoso. Ang kailangan kong gawin ay magising. Tama, gigising na ako!


Nagising ako na hindi makahinga. Napanganga ako para kumuha ng hangin mula sa bibig. Nakarinig ako ng mahinang tawa. Doon ako napadilat. Ang nabungaran ko ay ang nakangising si Joachim! Nakatunghay siya sa akin!


At kaya pala ako hindi makahinga, pisil-pisil niya pala ang ilong ko!


Inis na hinampas ko siya sa braso, saka biglang napabangon sa kama. "Ano ba? Papatayin mo ba ako?!" singhal ko sa kanya habang kandahingal ako.


"Sorry. Ayaw mo kasing magising," sabi niya na natatawa pa rin.


Mukhang limot niya na ang kagabi. Hindi na siya galit o anupaman. Maaliwalas na ang kanyang guwapong mukha at may ningning sa mga mata niya.

Beware of the Class PresidentWhere stories live. Discover now