CAPITULO 24 - Companions

33.1K 2.1K 1.3K
                                    

CAPITULO 24 


"LET'S GO TO BATAAN."


Napamata ako kay El. Seryoso siya habang nakapangalumbaba sa armchair niya. Hindi siya nagbibiro. At kailan ba siya nagbiro?


"El, bakit tayo babalik sa Bataan? Dahil ba sa brief mo roon na naiwan?"


Nagusot ang matangos niyang ilong.


Ilang minuto rin bago ko ulit siya narinig na magsalita. "You must return the things you should not have taken with you here in the first place."


Things? Nang mapatingin ako sa may hallway sa labas ng bintana ay doon ko naunawaan ang sinasabi niya.



PATAPOS NA ANG HULING KLASE. Panay ang kurap ko habang nakatitig sa blackboard. Kung bibilanganin siguro, naka-isang daan mahigit na kurap na ako sa loob lang ng ilang minuto.


Kurap. Kurap. Kurap. Paulit-ulit.


"Pst, Kena!" Si Bhing. Napatindin ako rito. Nakatingin pala ito sa akin.


Kumurap ulit ako.


Isa pa ulit.


Paulit-ulit. Hindi ako napapagod. Bakit ba hindi ako napapagod?


Itinuro ni Bhing ang phone nito. Sinesenyasan ako na may text ito. Doon napatigil sandali. Tiningnan ko ang text. Nag-aalala ang kaibigan ko sa akin. Ano raw ba ang nararamdaman ko? Balisa raw kasi ang itsura ko at mukha akong magkakasakit.


Magkakasakit? Wala naman akong nararamdaman na kahit ano. Ni hindi nga ako pagod. Hindi na rin nilalamig. Hindi na rin gutom kahit wala pa akong kinakain. Malakas ako. Pakiramdam ko ay kaya ko pa ngang hindi matulog nang ilang gabi.


Bago mag-bell ay muli akong nanalamin, nangangalumata pa rin ako. Ang itsura ko ay parang hindi nakatulog nang matagal at hindi pa kumakain. Pero ayos lang talaga ang pakiramdam ko. Ayos na ayos lang. Magaan. Ang gaan-gaan.


Nang magtayuan na ang mga kaklase ko para umuwi ay nakaupo pa rin ako. Naglalabasan na ang iba ang sa pinto habang ako ay hindi pa rin gumagalaw. Gusto ko lang silang panoorin.


Nakakaalis pala na makitang unti-unting nauubos ang tao sa room namin. Nakakalibang din na pakatitigan ang hallway sa labas kahit bahagya roong malilim. Siguro ay mas kaaya-aya ang itsura niyon kapag tuluya nang magdilim.


Ilang oras pa ba bago tuluyang gumabi? Ilang oras pa bago tuluyang mawala rito lahat ng estudyante? Iyong wala na talagang matitira, iyong wala na akong maririnig at makikita. Iyong ako na lang sana mag-isa—


TUG!


Kalabog ng upuan sa katabi ko. Kaya pala, padabog na tumayo si El. Napatingala ako sa kanya. Hindi pa pala siya umuuwi?

Beware of the Class Presidentحيث تعيش القصص. اكتشف الآن