CAPITULO 14 - Joyride

40.8K 3K 1.4K
                                    

CAPITULO 14


HAWAK KO ANG KAMAY NIYA.


Sumusunod siya sa akin nang bigla siyang huminto. Parang may kung anong nagpahinto sa kanya. Napatigil din ako para lingunin siya. Sa iba siya nakatingin at hindi sa akin. "El?"


Ang mga mata niya ay nakatuon sa isang direksyon. Titig na titig siya sa kung ano mang kanyang tinatanaw. Sinundan ko kung ano man ang kumuha sa kanyang atensyon. Isang lalaki na bumibili sa tindahan malapit sa daan papunta sa school namin ang aking nakita.


Sino iyon? Parang naglalaro ang edad ng lalaki sa early twenties. Parang nasa twenty five. Moreno. Nang tumagilid ay matangos ang ilong. Mukhang college student dahil sa suot na uniform. Kilala ba ito ni El? Hindi kasi talaga maalis ang tingin niya roon.


Tiningala ko si El. "Kilala mo ba iyong lalaki?"


Doon siya napakurap. Napayuko siya sa akin at umawang ang kanyang mga labi. Wala siyang masabi.


"Ang tanong ko, kung kilala mo iyong lalaki?"


Sukat ay bigla siyang matigas na umiling. "No. I don't know him. Tara na, Kena." Nauna na siyang maglakad sa akin habang ang aking kamay ay hila-hila niya.


"Teka, sandali!" Kandatalisod ako sa pagsunod sa kanya. Ang lalaki kasi ng hakbang niya. Ang tangkad niya nga, di ba? Ang hirap sumabay sa paglalakad niya!


Sandali nga ulit. Bakit niya ako hinihila? Alam niya ba kung saan kami pupunta, ha?!


Malayo-layo na kami sa school nang huminto siya. Humihingal ako dahil sa tagal ng paglalakad namin. Ang init na rin dahil tumataas na ang araw. Binawi ko ang kamay mula sa pagkakahawak niya. "Ano ba? Saan mo ba ako dadalhin? Kung makahila ka naman sa akin, ah!"


Namulsa siya sa suot na school pants. "Nag-bell na. Kapag may nakakita sa atin malapit sa school, sisitahin tayo at papapasukin."


Humihingal pa rin ako nang tingalain siya. "Sasama ka talaga sa akin?"


"Really? Tinatanong mo 'yan matapos mo ako kaninang basta hilahin?"


Pinunasan ko ang aking pawisang noo gamit ang kaliwang bisig ko. Hindi nga pala ako nakapagdala ng panyo o kahit bimpo. Nakakainis lang ang lalaking ito, ni hindi man lang pinagpawisan.


"Pupunta ako sa Limay, Bataan. Hahanapin ko iyong kaibigan ni Mama. Manggagamot iyon. Maraming alam. Marunong din magsarado ng third eye." Hindi ko binanggit ang tungkol sa kalagayan ni Mama ngayon na pinakadahilan ng aking kagustuhan na magpunta sa Bataan.


Ang kalmadong ekspresyon naman ni El ay biglang naglaho. May kung anong kumislap sa mga mata niya. Interesado siya. "How sure are you about this?"


"Basta sigurado ako. Kaibigan ni Mama iyon. Hindi iyon peke."


Beware of the Class PresidentWhere stories live. Discover now