CAPITULO 19 - Luggage

38.4K 3.3K 2.3K
                                    

Hello, BOTCP readers! JF has finished editing the manuscript! Nabigay niya na sa amin nang buo, and we'll be the one to update it! No more schedule of updates, since it's already finished, magbi-based na lang kami kapag marami nang votes and comments, mag-a-update na agad kami! -G


-----------------------------------------------------------



CAPITULO 19


"MAY MADRE SA LIKOD MO!"


Sa muling aking pagkurap, wala na ang imahe sa repleksyon ng mga mata ni El na kanina'y nasisinag ko. Namamalik-mata lang ba ako?


Gusto ko pang paniwalain ang sarili na kung anu-ano na naman ang aking naiisip, nang bigla na lang mapasabunot si El sa kanyang ulo. Nabaling ulit sa kanya ang pag-aalala ko. Hinawakan ko siya sa balikat. Kahit may suot siyang shirt ay naramdaman ko ang panlalamig niya. Tumatagos sa tela ang lamig ng balat niya.


Nang mag-angat siya sa akin ng paningin ay pawis na pawis ang makinis na mukha niya. As in naliligo siya ng pawis. "Kena, I'm thirsty..."


"Ikukuha kita ng tubig!" Nanakbo na agad ako papunta sa kusina para ikuha siya ng tubig. Kandatapon-tapon mula sa baso ang tubig dahil sa pagmamadali ko.


Pagbalik sa kuwarto ay muntik akong mapatili. Nakahubad si El pagpasok ko!


Hinubad niya na ang shirt na suot. Iyong may mukha ni Jesus sa harapan. Nasa sahig na iyon. Hubad na ng pang-itaas si El. Napatalikod ako bigla.


"Basa ng pawis, Kena," paliwanag niya sa mahina at paos na boses.


"S-sa labas muna ako!" mabilis na sabi ko sabay talilis palabas sa pinto. Pero pumasok din ulit ako. Pumasok ako nang patalikod. Inilpag ko sa sahig ang baso ng tubig. "K-kunin mo na lang itong tubig mo." Pagkatapos ay dali-dali ulit akong lumabas.


Naroon lang ako sa labas ng pinto habang hinihintay na makapagbihis si El. Nagbilang ako ng up to one hundred bago bumalik. Nakahinga ako nang maluwag nang pagpasok sa kuwarto ay nakabihis na siya. Iyong white t-shirt niya na patong sa polo uniform ang kanyang suot ngayon.


Doon ko lang siya nilapitan. "Uhm, okay ka na ba? Masakit ba ang ulo mo? Gutom ka ba?"


Tumango siya. Humingi pa ulit siya ng tubig. Mas uminom siya ng tubig kaysa kumain. Grabe ang pagkauhaw niya na aakalain mong galing siya sa malayong disyerto. Ilang baso yata ang naubos niya na kinailangan kong dalhin na ang buong pitsel para lang hindi siya mabitin. 


Pagkainom nang marami ay bumalik siya sa pagkakahiga. Tulala siya sa kisame. Parang may iniisip na kung ano. Iiwan ko na sana siya para makapag-isa siya, nang pumigil ang kamay niya sa aking pulso.


Bumaling siya sa akin ng tingin. Malamlam ang mga mata. "Puwede bang 'wag kang umalis?"


"O-okay..."


Hindi na lang muna ako umalis sa tabi niya. Pansin ko ay gusto niya pang matulog, pero may kung ano siya na ikinababalisa. 

Beware of the Class PresidentNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ