CHAPTER 39

17 1 0
                                    

JEAN'S POV

Nakakainis.

Bat kailangan pa nilang magsabay.

Teka sino ba nagsabing kailangan ko silang i-date?

"Jean?"

Nakakainis naman.

"Jean?!!" nagulat ako sa sigaw kaya napaupo ako sa kama ko.

Pagtingin ko sa pinto ay nakita ko si John na nakakunot noong nakatingin sa akin.

"Anong problema mo bakit sumisigaw ka?" inis na tanong ko sa kanya.

"Ikaw ang dapat tanungin ko niyan dahil kanina pa kita tinatawag pero parang hindi mo ako naririnig kaya sinigawan na Kita"

"Tss"

"Seriously? What happening to you? You look tense."

Sasabihin ko ba sa kanya? Baka asarin niya lang ako, wag na lang.

"Wala yon. Ano bang kailangan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Hinahanap ka ni daddy. May sasabihin daw." tss ano na naman kaya yon.

Sumunod ako sa kanya dahil baka importante ang sasabihin ni dad.

Pagkarating ko sa sala ay nakita ko sila ni mommy na seryosong naguusap. Tumingin agad sila sa amin nang makita nila kami. Seryoso lang ang mga mata ni dad at parang mukang mahalaga nga ang sasabihin niya base sa muka niya.

"What is it?" takang tanong ko.

Napabuntong hininga naman si dad at tumingin kay mommy.

"Tomorrow is Kierra's wedding and we are all invited" panimula ni dad. Natulos naman ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya.

"Come again?" hindi ko alam kung tama ba yung dinig ko dahil parang may bumara sa lalamunan ko at hindi ko magawang makagalaw sa kinatatayuan ko.

"We need to attend on Kierra's wedding. I don't know what happened between the two of you but she's giving this invitation to you at sa amin niya iniabot."

Kierra's wedding.

I don't know what to feel. They're getting married. Tomorrow. Hindi ko alam kung nananadya ang panahon dahil sa mismong araw na sinagot ko si Lucas ay ang araw din ng kasal nila.

Aaminin kong masakit pa din dahil kailan man ay hindi ko siya nakalimutan. Samantalang siya,  ilang taon ko siyang hinintay pero pagbalik niya wala siyang maalala tungkol sa akin at sa pinagsamahan namin.

It's hurt.

I can't believe that they will end up together. Gusto kong magalit. Gusto kong magalit sa kanya. Dahil bakit niya ako kinalimutan. Bakit kailangan mangyare to. Sobrang dami kong gustong itanong sa kanya pero alam kong hindi niya din masasagot dahil hindi niya ako kailanman maalala.

Magdamag lang akong nakatulala sa kisame ng kwarto ko pagkatapos akong kausapin nila mommy. Ayokong ipaalam iyon kay dad dahil hindi rin naman niya ako maiintindihan.

Knock knock

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok doon.

"Jean anak, pwede bang pumasok si mommy?"

Inayos ko muna ang sarili ko at naglakad papunta sa pinto at binuksan iyon. Naabutan ko si mommy na may dalang isang baso ng gatas.

"Nag abala ka pa mom" ngumiti lang siya sakin at sinabing inumin ko lang daw iyon kapag hindi ako makatulog.

"How are you baby? Can you tell mommy what is happening to you this past few days?"

Natahimik naman ako sa tanong niya dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Nakita naman ni mommy ang reaksyon ko kaya ngumiti lang siya at hinaplos ang kamay ko.

"You can tell mommy what's bothering you."

Napabuntong hininga na lang ako dahil alam kong hindi siya titigil hanggat hindi ako nagsasabi sa kanya.

"He came back mom." panimula ko.

Napasinghap naman siya at napatakip ng bibig dahil sa gulat. Ganyan din ang naging reaksyon ko noong nakita ko siyang bumalik. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag lahat sa kanya.

"Where is he? Bakit ngayon mo lang sinabi? Kailan pa?" sunod sunod na tanong niya sa akin.

Hindi ko alam pero nahihirapan akong sabihin sa kanya lahat. Ayokong mag isip pa siya dahil alam kong matapos niyang malaman ang lahat ay baka hindi niya din kayang tanggapin lahat dahil naging malapit din sa kanya si Lucas.

"He's Kierra's Groom mom" malungkot na saad ko kaya lalong nanlaki ang mata niya.

"W-what? Did I hear it right?"

"Yes mom. Lucas is Kierra's Groom."

"But h-how?"

"He came back with no memories. Nang mga panahon na nagpapagaling siya, si Kierra ang kasama niya."

I hate it. I fucking hate it when they looked at me with pity. Bakit?

"Please stop looking at me like that, I hate it." nakabawi naman agad si mom dahil sa sinabi ko.

"It is reason why you're being cold these days?"tanong niya sa akin kaya wala akong ibang ginawa kundi ang tumango at mapabuntong hininga na lang.

"Kaya hindi mo ako masisisi mom kung hindi ko tinanggap yung imbitasyon ni Kierra."

"I understand baby. I will talk to your dad."

"Thanks mom"

Nakaramdam naman siya na ayaw kong pagusapan pa ang tungkol sa kanya kaya nagpaalam na siya at sinabing kakausapin na si daddy.

Nahiga na lang ulit ako at tumitig sa kisame.

"Okay lang naman sana na bumalik ka eh, pero bakit sa paraang hindi mo pa ako maaalala" mahinang bulong ko. Dahan dahan tumuloy ang luha ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. 

Nasa ganon akong kalagayan ng biglang bumukas ang pinto. Kaya napabangon ako at inayos ang sarili at pinunasan ang luha ko. Nakita ko naman si dad na salubong ang kilay at si mom na nasa likod niya.

"Anong dahilan at ayaw mong pumunta sa kasal ng pinsan mo?"  salubong ang kilay na tanong ni dad.

"I just don't want to. Any problem with that?"  pabalyang sagot ko kaya mas lalong nagsalubong ang kilay niya at lumapit sa akin.

"You're attending on Kierra's wedding and that's final" galit na sabi niya habang nakatingin ng diretyo sa mata ko kaya napabuntong hininga na lang ako at tumango para wala na siyang problema.

"Is it because of the Groom? I heard that he's your ex." napatingin naman ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung saan niya nalaman yon pero pakiramdam ko sinasadya niya to para tignan kung anong magiging reaksyon ko.

"I bet it is because of that guy."  paninigurado niya na parang siguradong sigurado siya sa sinabi niya.

***


A chance to Love Where stories live. Discover now