CHAPTER 10

24 3 0
                                    

JEAN'S POV

Tahimik lang ako habang nasa byahe, pansin ko lang na medyo malayo yung pupuntahan namin dahil medyo hindi pamilyar sakin yung dinaraanan namin ni manong.

"Ahh ma'am Jean, ayos lang ho ba Kayo dyan sa likod? "- basag ni manong sa katahimikan.

"Ayos lang naman po ako manong, ah malayo pa po ba tayo? "- tanong ko.

"Malapit na po tayo maam"- manong. Kaya tumango nalang ako sa kanya.

Ilang minuto ang nakalipas at huminto kami sa isang restaurant na sobrang ilegante.

Medyo na amaze ako sa itsura ng restaurant na ito dahil mula sa labas makikita pa lang na hindi ito basta basta restaurant lang.

Pinagbuksan ako ni manong ng pinto at nagpasalamat ako.

"Thank you manong." - sambit ko sabay tipid na ngiti.

"Iintayin ko na po ba kayo dito ma'am? - tanong niya.

" Ahh hindi na po manong kaya ko na po, salamat po." - pagtanggi ko sa kanya dahil baka mainip siya sa pag iintay.

"Sige po ma'am mauuna na po ako." - tumango Lang ako sa kanya at nagsimula ng maglakad papasok sa restaurant.

5:30 na kaya medyo madilim na at napaka liwanag ng buong restaurant hanggang sa loob. Pag pasok ko sa loob sinalubong ako ng napakabangong amoy. Napakaganda ng buong restaurant.

May lumapit sa akin na isang crew. "May reservation po ba ma'am?" - nakangiting tanong niya.


"Jean Amber po"- medyo tipid ngiting saad ko.

"Dito po tayo ma'am." - yaya niya sa akin. Hanggang sa makarating kami sa pinakang gitnang parte ng mga upuan at lamesa.

Napansin kong bakante pa ang upuan marahil at late din ang aking kikitain pero sa bagay medyo maaga pa naman magiintay na lang ako.

"Oorder na po ba kayo ma'am? Here's the menu." - sabay lahad sa akin ng menu.

" No, no, may kasama po ako iintayin ko na lang po siya. Just water please."- ako.

" Wait a minute ma'am "- Sabi ng waiter at umalis na.

Dumating na ang waiter at sinalinan ako ng tubig sa baso. Hindi pa din dumadating ang fiance ko pero nag intay pa din ako.

30 min na ang nakalipas at nagiintay pa din ako,nakakadalawang baso na ako ng tubig dahil sa pag iintay ko sa kanya. 'baka natraffic lang siguro' sa isip isip ko.


Ngunit hindi lang 30 mins ang lumipas dahil 7:45 na at malapit ng mag alas osto.Halos dalawang oras na akong nag iintay ngunit wala pa ding dumadating.

Bzzz..

Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong tumunog. Napakunot ang noo ko habang binabasa ang mensahe sa akin. Hindi ko kilala kung sino ito dahil unregistered number.

Unknown number:

  Sorry,I'm not coming. Go home now and take care, tesoro
 


*******

Yan ang nakalagay sa mensahe.'

Tesoro?' tanong ko sa isip ko, I wonder what does that mean.

Matapos kong matanggap ang kanyang mensahe. Nagtataka ako nung una dahil alam niya ang number ko pero isinawalang bahala ko na lang iyon dahil wala naman akong pake kung saan niya nakuha iyon.


Sumakay na ako sa taxi upang umuwi na dahil medyo inaantok na ako.

****

A chance to Love Where stories live. Discover now