CHAPTER 34

20 2 0
                                    

➖➖➖

Jean's POV

Maaga akong nagising dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko, bumangon ako at sumandal sa headboard ng kama at tinignan ang kabuuan ng kwarto.

Pinilit kong tumayo kahit sobrang bigat ng katawan ko, sumasakit din ang ulo ko na parang pinupupok ng martilyo sa sobrang kirot marahil ay dahil sa naulanan ako kagabi.

Nakarating ako sa bintana at hinawi ang kurtina na nakatakip doon kaya sumilay sa loob ng kwarto ang sinag ng araw


Pinagmasdan ko lang ang papasikat na araw nang madako ang mga mata ko sa mga frames na nakadisplay sa kwarto.It must be his room. I guess. Tinignan ko ang mga ito at nakita ko ang litrato naming dalawa nung mga panahong kasama pa namin siya ni John.


"Hey Matt tara na kase picture na tayo, andamot mo naman eh isa lang please" sabi ng batang ako habang nagpapacute sa batang Matt na nakaupo lang at malayo ang tanaw.

"Ayoko nga,mamaya kulamin mo pa ako eh" napaismid naman ang batang Jean at sinabing maghahanap na lang siya ng ibang kalaro kaya dahan dahan namang napalingon sa kanya si matt.

"Oo na sige na basta isa lang ha." sabi ni Matt na parang napipilitan. Napansin naman iyon ni Jean kaya napasimangot siya.

"Wag na nga lang. Napipilitan ka lang eh, sige na hindi na kita pipilitin. Gusto ko lang naman kase sanang itabi ang mga memories na to para pag malaki na tayo babalik balikan natin diba?"

Kinuha ni Matt ang hawak na camera ni Jean at inabot iyon kay Agnes na siyang nagaalaga kay Matt. Wala roon si John dahil nang umalis siya sa bahay at tulog pa ito kaya naman ay siya na lang ang pumunta dito sa park.

"Ate Agnes kunan niyo po kami ni riris ng picture, kahit marami po ah"  Sabi ni Matt sa kanyang yaya Agnes.

" Sus gusto mo din naman pala eh gusto mo pang pinipilit ka".

Natawa ako sa naalala ko noong mga bata pa kami. Tinignan ko pa ang ibang mga litrato at nakita kong puro siya iyon. Mukang kuha ito sa Korea dahil may snow. Umupo muna ako sa kama dahil umiikot ang paningin ko, baka bigla na lang akong tumumba kaya ipapahinga ko muna.

Ilang sandali pang nakatanga ako ay may narinig akong kumatok.

"Jean?" si matt.

"Come in" mahinang usal ko sabay hawak sa ulo ko dahil sa sobrang kirot. Mabuti na lang na wala kaming pasok ngayon dahil sabado.

Bumukas ang pinto at pumasok doon si matt na may bitbit na isang tray ng pagkain. Gusto ko man siyang tulungan dahil mukang hirap na hirap siya ay hindi ko magawa dahil sobrang bigat ng katawan ko. Mukang magkakasakit yata ako. Inilapag niya iyon sa beside table at inayos. Hindi pa rin ako umaalis sa pwesto ko at pinagmasdan lang siya na inaayos ang mga pagkain.

I suddenly remembered what he said last night. His offer is tempting but i can not use him for my own good. As much as I want to stop him on what he feels towards me, it will be hard. Knowing him, hindi papapigil yan sa kung anong gusto niya.

"How are you?" basag ko sa katahimikan kaya sandali siyang natigilan pero pinagpatuloy pa din ang kanyang ginagawa.

"I'm always good" tipid na sagot niya kaya napabuntong hininga na lang ako dahil alam kong nagsisinungaling siya. Dahan dahan akong tumayo at lumapit sa kanya. Hindi niya ako nakikita dahil nakatalikod siya sa akin. Nang makalapit ako sa kanya ay dahan dahan ko siyang niyakap mula sa likod. Ramdam ko ang paninigas niya dahil sa ginawa ko.

A chance to Love Where stories live. Discover now