CHAPTER 35

12 2 0
                                    

➖➖➖

Jean's POV

Isang linggo na ang nakalipas simula nang mangyare ang mga pangyayaring iyon. Marami na din ang nagbago, hindi na rin ako sumusunod sa kanila dahil tanggap ko na ang katotohanang hindi na niya ako maaalala, wala rin namang mangyayare kung ipipilit ko pa. Palagi akong sinasamahan ni Matt kahit saan ako pumunta dahil sabi niya natatakot siya na baka pinapakita ko lang sa kanila na okay lang ang lahat, baka daw kase nalulungkot talaga ako. Hindi naman mawawala yun eh, kase kahit sabihin kong tanggap ko na nalulungkot pa din ako.

Hindi na rin ako gaya ng dati, madalas na akong ngumiti kaya natutuwa sila mom dahil doon. Also dad he's proud of me. Natutuwa din sila na bumalik na si Matt.

And about my fiance? I don't know, bigla na lang siyang hindi nagparamdam. Well it's fine with me baka nagback out na siya.

And Kiera. She explained everything. I understand her. Nagmahal lang siya gaya ko.

Pumunta ako sa lugar na napagjasunduan namin ni Kiera kung saan kami maguusap. Dumating ako doon sa tamang oras na napagusapan. Naghintay lang ako Ng mga ilang minuto at nakita ko na siya sa bungad na pinto ng restaurant. Kasama niya siya. Sabay silang pumasok dalawa kaya nagtaka ako.

"The last i remembered, Kiera and I will only talk?"

" Don't worry Ms. Amber I just want to make sure that Kiera will be safe here with you." parang may kumurot sa puso pagkasabi niya non. Ngumiti lang ako sa kanila at sinabing mag uusap lang kami.
Wala na rin siyang nagawa kundi ang lumabas, umiwas ako ng tingin nang makita kong hinalikan niya si Kiera sa noo.

Masakit pa rin.Lalo na harap harapan ko silang nakikita kung gaano nila kamahal ang isa't isa.

"How are you Jean?" tanong ni Kiera pagkaalis ni Lucas.

"I'm doing fine kiera, how about you? I think you are?" hindi ko maiwasang maging sarkastiko sa kanya dahil hindi ko matanggap ang ginawa niya.

"Okay, let's talk." sabi niya na medyo napapahiya. That's not my intention. I cleared my throat and looked at her intently.

"Tell me everything, lahat lahat walang labis walang kulang. I'll listen" sabi ko sa kanya kaya tumango siya.

"Do you remembered when i introduce him to you right?" tumango lang ako." That time, I'm so inloved with him. Una kaming nagkakilala eh. Then you came. I'm not blaming you. Pero nang dumating ka sa buhay namin naging magulo na dahil mas naging close kayo at sobrang selos na selos ako. Alam niya ang nararamdaman ko para sa kanya dahil umamin ako non nung parang nakikita kong nagkakamabutihan na kayong dalawa. Inisip ko noon na baka pareho kami ng nararamdaman, na baka hinihintay niya lang akong umamin sa kanya. But I'm wrong. He also tell that he's inlove with you. He's planning to court you so he said that I should stop my feelings, i tried Jean. God knows how i tried but I failed. Lumayo ako noon sa inyo, nilayo ko ang atensyon ko sa inyo baka sakaling mawawala yung nararamdaman ko. Pero hindi eh." tumigil siya saglit at pinunasan ang luha niya. Nakatingin lang ako sa kanya at pinakinggan lang hangang sa pinagpatuloy Niya.

"Masakit na nakikita ko kayong masaya eh, ako dapat yun. Ako dapat yung kasama niya non. Pero hindi eh, ayokong sirain yung samahan natin kaya mas pinili kong lumayo.Nung nasa beach tayo, siya ang nagsabi sa akin na sumama ako dahil baka daw hindi na natin magawa yun kaya pinag bigyan ko siya. I should be happy that time kase inimbitahan niya akong sumama. But he confessed me something. That he has a brain tumor and he's not sure na kung gagaling pa siya. Ayaw ka niyang iwan noon Jean pero gusto niya ring gumaling dahil para mas makasama ka niya ng matagal. Masakit man isipin na sa akin niya lahat sinasabi yung mga bagay na yun pero inisip ko na mas masakit Yun sayo dahil iiwan ka niya. Hindi siya nagparamdam nun sayo dahil gusto niyang magalit ka sa kanya para maging madali sayo na kalimutan mo siya"

" Pero siya yung nakalimot ngayon" ngumiti ng mapait pagkatapos kong sabihin Yun.

"Pero Jean buhay siya yun ang mahalaga."

"Pero wala siya sa akin"

"I'm sorry." napayuko siya kaya napabuntong hininga ako.

" How about that, how you end up together?".

"Sumunod ako sa kanya, i became selfish. Sumunod ako sa kanya dahil gusto kong makita siya kung magiging successful yung operasyon niya. It went well but after that. He wake up with no memories even me he didn't remembered me. Tinanong ko sa kanya Lahat lahat. But he keeps on saying that he didn't knows us. Even you. Even his family. So that. Inisip ko na ayun na lang ang tamang oras. Sinabi ko sa kanya na girlfriend niya ako. Nung una hindi siya naniniwala dahil nga hindi niya ako nakikilala. Pero habang tumatagal nasasanay na siya na palagi akong nasa tabi niya. Hanggang sa unti unti na siyang nakakarecover. Sobrang saya ko noon na sinabi niyang Mahal niya ako but I suddenly remembered you. I know you'll be mad at me kase hindi ko sinabi sayo. But, masisisi mo ba ako? Babae lang din ako, nagmahal lang din ako. Kahit inisip kong masama ang ginagawa ko tinuloy ko pa  din."

" How about the marriage?"

" About that, he proposed to me after niyang makalabas ng hospital. Mahigit limang buwan siya sa hospital. Hanggang sa lumipas ang ilang taon,nanatili kami sa America at dun nagaral."

" I'm sorry Jean. Nagmahal lang din ako" pinakiramdaman ko ang sarili ko.

" Tapos na Kiera. Nangyare na eh wala na tayong magagawa. Gagawin ko din ang ginawa mo noon." napakunot ang noo siya sa sinabi ko. Yumuko ako at pinigilan ang panggigilid ng luha.

"What do you mean?" tanong niya.

"I-i will let him go." nabigla siya sa sinabi ko at naguguluhang tumingin sa akin.

"W-what? That's it? Hindi ka ba magagalit sa akin, Jean walang kapatawaran ang ginawa ko sayo. It's okay sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin sa akin tatanggapin ko pero ito? Why? That's not the Jean I used to know."

" May mangyayare ba kapag pinagpilitan ko pa ang sarili ko sa kanya? Besides he doesn't even know so why would I bother to chase him? I can see his happiness with you. Hindi siya ganon kasaya nung kami pa. Nakikita ko din kung gaano ka niya kamahal. Don't worry I'm not planning on something" paninigurado ko sa kanya.

" A-are you sure?" tumango ako.

"Okay na. Sapat na ang nalaman ko. Thank you. Aalis na ako ha."

Napipilitan siyang tumango kaya tumalikod na ako at handa ng umalis ng may maalala ako.

"By the way congratulations in advance on your wedding. Don't invite me it will be akward for me" sabi ko at umalis na.

Nakasalubong ko si Lucas sa labas at sinabi kong tapos na kami mag usap. Tinignan ko siya sa mata.

"I'm happy that you're here. Be happy with her Lucas" tinapik ko siya sa balikat at pumunta sa motor kong nakaparada. Lumingon ako sa pinanggalingan ko at tinignan silang magkayakap.

Hindi man ako masaya pero pipilitin ko pa rin para sa taong Mahal ko.

I'm fine now that he's safe.

Kasalukuyan..

Pumunta sa lugar kung saan mag isa ako. Isa itong over looking at puro maliliit na damo ang nasa paligid at may isang punong malaki sa gitna. Umupo ako doon at sumandal sa puno at ipinikit ang aking mga mata. 5:47 na ng hapon ngayon at buti na lang hinayaan nila akong umalis mag isa. Ayaw pa nila nung una dahil baka daw kung anong gawin ko. Linggo ngayon at bukas may pasok na ulit.

Inilabas ko ang wallet ko at kinuha doon ang litrato naming dalawa. Pareho kaming nakangiting dalawa sa larawan at masasabi kong masaya siya nung araw na kinunan to.

Wala akong ibang pwedeng gawin kundi ang tanggapin. After graduation ikakasal na sila.

Napayuko ako sa mga tuhod ko at niyakap iyon. Pinakiramdaman ko ang sarili ko.

Everything's going to be fine Jean.

➖➖➖
@zachyy

A chance to Love Where stories live. Discover now