CHAPTER 7

24 3 0
                                    

****

Binigyan ko sila ng mapanuring tingin dalawa at muka naman nagsasabi ng totoo si John.

"Ahmm Jean mauuna na pala ako ah salamat pala kanina" - paalam ni nerd kaya tumango na lang ako.

Pag kaalis ni nerd ay siya namang pag harap sa akin ni John. Napataas ang kilay ko dahil nakakunot ang noo niya.


"What?" - tanong ko.


"What does he mean jean?" - siya.Napakunot naman ang noo ko sa tanong niya.

"About what john?" - balik tanong ko.

"What I mean is bakit siya nagpapasalamat sayo?"- hindi pa rin nawawala ang pagkakunot ng noo niya.

"Aba malay ko sa kanya, basta alam alam ko siya yung tinulungan ko kanina dun na binubully"- baliwalang sagot ko.

" Binully kamo?"- tumango lang ako,"Haha ibang klase" - bulong niya pero hindi ko narinig.

"Ano yun John? May sinasabi kaba?" - umiling naman siya kaya binalewala ko na lang.

Napansin ko naman na natingin siya sa t-shirt na suot ko, ay nakalimutan ko din pala mag pasalamat sa nerd na yun.

"What about your shirt, kanino yan?" - takang tanong niya.

"Ahh diba nga kanina napaaway ako sa cafeteria,ayun nagkaroon ng hindi pag kakaunawaan natapunan ako Ng juice sa damit kaya pinahiram ako ni nerd ng t-shirt niya buti nga may extra pa siya eh."- paliwanag ko naman.

"Teka, teka? Siya ba yung nakaaway mk kanina?" nanlalaking matang tanong niya.


Napahampas ako sa noo ko dahil sa nakakatangang tanong niya.

"Ano kaba John may kaaway ka bang magpapahiram ng t-shirt sayo pagtapos Kang tapunan ng juice sa damit?"- natatawang tanong ko. Napaisip naman siya.

"At tsaka sumabay sa akin si nerd kanina kumain dahil nga wala Ng pwesto sa cafeteria kanina."-ayun nalang ang sinabi ko dahil paniguradong magtatanong na naman siya.

"Wow, magkasabay pa talaga kayong kumain samantalang hindi mo pa siya kilala"- iritang sambit niya kaya naman nagtaka ako sa reaksyon niya.

"Teka nga, teka nga John bakit ba ganyan ka na lang makapagreact?"- naiinis na din ako sa pagiging OA niya.

Kaya napaayos siya ng tayo niya dahil nakikita niyang naiinis na din ako.

"Hindi naman sa nagagalit ako, pero kase jean hindi mo pa siya kilala diba tapos nagtitiwala ka agad sa kanya."- paliwanag niya.

Lumapit ako sa kanya at inakbayan siya, hindi nagkakalayo ang tangkad namin ni John kaya hindi ako nahihirapan sa pag akbay sa kanya.

"Alam ko naman nag-aalala ka sa akin john kaya ganyan kana lang ang reaksyon mo. Pero wala kabang tiwala sa akin john? Malaki na ako kaya kona ang sarili ko kaya wag kang mag-alala."- binigyan ko siya ng matamis na ngiti para masigurong ayos lang.

"Hindi naman sa wala akong tiwala sayo Jean,gaya nga ng sabi mo nag-aalala Lang Naman ako sayo sa mga makakasama mo,ayoko na ulit makita Kang nasasakt-

"Mauuna na ako John,may gagawin pa pala ako.Sige na bye na ingat ka."- putol ko sa sasabihin niya. Humalik na ako sa pisngi niya at umalis.

*****
@zachyy

A chance to Love Where stories live. Discover now