CHAPTER 1

129 6 0
                                    

JEAN'S POV

Kringgg....Kringgg.... Kringgg...


Inis akong bumangon dahil sa panirang alarm clock na yun.

Bwiset.

Bumangon na ako upang makapaghanda sa pagpasok, pero bago iyon ginawa ko muna ang aking morning routine.

Exercise.

Pagkatapos non nagpahinga ako saglit at nagpunas ng pawis.


Sanay na ang katawan ko sa ganung exercise dahil araw araw kong ginagawa iyon.

Pagtapos ng maikling pahinga dumiretyo na agad ako sa banyo para maligo.

First day of class namin ngayon kaya dapat maaga ako and by the way I'm Jean Polaris Amber 24 years old and 4th year college of Harvey University and BS Criminology.

Pagkaligo ko nagbihis agad ako. Sa school kase namin malaya ka kung anong suotin mo.



Black fitted jeans at navy blue sando with black leather jacket at pinarisan ng black boots,yan ang suot ko ngayon.

Tumingin ako saglit sa salamin at inayos ng kaunti ang nakalugay kong buhok, hindi naman ako katulad ng ibang babae na maraming arte sa katawan. Wala din akong kaibigan dahil siguro sa ugaling meron ako. Dati meron.

Nang masiguro kong wala na akong nakalimutan lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa hagdan, nakita naman agad ako ni mom kaya niyaya nya na akong kumain kaya umupo na agad ako sa aking upuan at nagsimula ng kumain.

Napatigil ako sa pagsubo ng kinakain ng maramdaman kong may nakatingin saken, pag angat ko ng tingin nakita kong nakatingin sakin si John. By the way he's John Polaris Amber ang twin brother ko and yeah i have twin brother, he's just 30 second older than me.

Napataas ang kilay ko ng hindi sya tumitinag.

"What is it John?" - malamig kong tanong.

"Ahh wala wala, sabay na ba tayo papasok?" - tarantang sabi niya.

Ewan koba kung bakit ganito tong kakambal ko mas babae pa sakin kumilos minsan iniisip ko baka bakla to eh.

Pagkatapos kong kumain tumayo na agad ako at naghanda ng pumasok, palabas palang ako ng pinto ng may tumawag sakin.

"Jean" - si dad pala.


"Yes dad?" - malamig kong tugon ng hindi lumilingon.

"Go home early after your class,  later you will meet someone"- dad


Napaangat ang ng tingin sa kanya pag kasabi niya non "Sino ang kikitain ko mamaya dad?" Tanong ko.

"Your Fiance."- Saad niya.

Bahagyang nanlaki ang aking mata matapos niyang sabihin yon."What the hell dad?! You're kidding me right?"- diko napigilang mapasigaw sa pagkagulat dahil akala ko okay na kami sa ganitong usapan but fvck eto na naman siya.


"JEAN POLARIS AMBER. TONE DOWN YOUR VOICE I'M YOUR FATHER."- sigaw ni dad.


Bumuntong hininga ako at pinigilang sumigaw.

"You can't do this to me dad"- nagpipigil na sabi ko.

"Yes i can Jean. And whether you like it or not you will meet him and that's final."- galit na sabi nya.

I laugh sarcastically.


"Okay. I will meet him but don't you ever assume that i will be good to him."- banta ko.


"Sumosobra kana talagang bata ka palagi nalang gusto mo ang nasusunod. Hinayaan na kita dyan sa gusto mong pagpupulis at hindi mamahala sa kompanya ko. Buti pa ang kakambal mo salungat sa lahat ng gusto mo!"- dad


Napatingin ako kay John na nakaupo parin sa lamesa at tahimik na nakayuko. So alam nya pala ang tungkol dito at wala man lang siya ginagawa. Hahaha ibang klase.

"Honey, tama na yan baka hindi pa ready ang anak naten."- lambing ni mom kay dad para kumalma siya.


"Hindi Lea sobra na ang anak mo na yan palagi nalang gusto niya ang nasusunod. You can't do anything about this but to follow my order this time Jean."- dad


Napabuntong hininga nalang ako, well i guess ano pa nga ba ang magagawa ko. Wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa bagay wala na naman akong magagawa.


Nasabi kona ba na lahat sila kontra sa gusto kong marating sa buhay palagi nilang sinasabi na masyadong risky tong pinasok kong course, anong magagawa nila eto ang gusto ko.

Tama si dad kanina lahat ng gusto ko salungat sa lahat ng gusto ni John, 4th year college din siya pero Business Management ang kinuha niya dahil siya ang magmamana ng kompanya ni dad. Isa rin siya sa mga kontra sa gusto ko pero sa huli wala din siyang nagawa kundi ang suportahan ako.

*****

@zachyy

A chance to Love Where stories live. Discover now