CHAPTER 25

19 2 0
                                    

➖➖➖

Madilim na nang magising ako kaya bumangon na ako at inayos ang kama ko bago bumaba ng makaramdam ako ng gutom. Naalala ko pa lang dumating si John kanina bago ako makatulog.

Naabutan ko siyang nanonood sa sala habang kumakain ng chips, napansin niya naman ako kaya ngumiti siya sakin.

"Oh gising na pala ang mahal na prinsesa" napairap na lang ako at pumunta na lang sa kusina.'mukang okay na siya' napansin ko kasing parang good mood siya eh.

Kumuha ako ng tubig sa fridge at nagsalin sa baso bago uminom, nakita ko naman si John na nakahalukipkip sa may hamba ng pinto dito  kusina. Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil muka siyang tangang sinusundan bawat kilos ko pati ang paglunok ko ng tubig pinagmamasdan niya kaya bahagya akong naiinis sa kanya. "You know, staring is rude" napaayos naman siya ng tayo.

" What is it John?" tanong ko pero wala akong nakuhang sagot." Are you fine now, pwede ko na bang malaman yung gumugulo sa utak mo netong mga nakaraang araw"  hindi pa din siya sumasagot kaya nagkibit balikat na lang ako. "Well I guess you're not ready to talk about that problem of yours"

"I'll tell you soon Jean, just wait 'lil sis"

" Whatever" balewalang sagot ko at inirapan siya kaya natawa na lang siya.

"Kumain kana d'yan nagorder na lang ako, tinatamad akong magluto eh" sabi niya kaya napaismid na lang ako.

"Tss kelan ka ba sinipag magluto" natawa na lang ako kaya napasimangot siya sakin.

" Hoy Jean,wag mo kong ginaganyan masarap kaya akong magluto, anong akala mo sakin ha mas magaling ako sayo magluto" mas lalo lang akong natawa sa kanya dahil para siyang batang inagawan ng candy."Aishh wag mo nga akong tawanan nakakainis ka naman eh" pagmamaktol niya kaya umupo na lang ako sa mesa at naghanda na para kumain. Umalis na siya para ituloy ang pinapanood niya doon sa sala,inalok ko siyang kumain kaso ang sabi niya nauna na daw siyang kumain kanina dahil nagutom daw siya kakaantay sa akin magising,inirapan ko na lang siya kanina. Ayaw niya daw akong gisingin dahil sarap na sarap daw akong matulog. 'psh sino bang nagsabing intayin niya ako'

Hinugasan ko na lang ang pinagkainan ko at dumiretso sa sala.

Naabutan ko siyang tuwang tuwa sa pinapanood niya tinignan ko kung anong pinapanood ng mokong na 'to at muntik ko na siyang mabato ng tsinelas na suot ko kung hindi lang ako nakapag pigil.

What the..

"Seriously John?!Are you a gay?"

"Oh tapos ka na pala halika dito bilis ang ganda ng palabas" pagaaya niya sa akin at hindi pinansin yung sinabi ko, napairap na lang ako.

"Tssk anong maganda d'yan" pambabara ko sa kanya.

"Ano ka ba maganda kaya yan,manood ka na lang kase palibhasa ikaw gusto mo yung mga actions eh, try mo din 'to"

"Tssk bahala ka sa manood d'yan aakyat na ako matulog ka na" tumayo na lang ako at nag shrugged lang siya.

"Una ka na tatapusin ko lang to"

"Ikaw bahala,such a weirdo"

" Pshh anong weirdo dun, masaya kaya to"

"What the hell?! Anong maganda sa palabas na 'yan. Are you okay ha John?!! Peppa Pig?!Aish bahala ka nga bat ba ako nagtataka eh bakla ka nga pala" umirap na lang ako sa kanya at nagsimula ng umakyat sa hagdan. Narinig ko pa siyang ginaya yung pinapanood niya.

A chance to Love Où les histoires vivent. Découvrez maintenant