CHAPTER 31

17 4 2
                                    

John's POV

Lumipas ang ilang araw at tahimik pa din si Jean,kahit subukan ko siyang tanungin sa kung anong nangyayare sa kanya pero para lang akong hangin sa harap niya. Naiinis na ako sa ginagawa niya dahil pati si mommy sobrang apektado ganun din si manang na awang awa na sa kanya. Hindi pa din umuuwi si dad dahil may inaasikaso siyang mahalagang bagay. Naiintinidihan ko naman yun, pero hindi ko alam kung anong mangyayare kapag dumating siya at malaman ang nangyayare sa bahay. Minsan uuwi si Jean na lasing, minsan naman hating gabi na siya kung umuwi. Naiinis na ako sa kanya dahil sa mga ginagawa niya pero hindi ko din maiwasang matakot dahil sa mga ipinapakita niya netong nga nakaraang araw.

Flashback

Kinabukasan noon nang magising ako, nakita ko siya sa may gilid ng pool at nakababad ang mga paa niya sa tubig.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at tahimik lang siyang pinagmasdan.

"J-jean?" hindi ko maiwasang mautal dahil kinakabahan akong kausapin siya.

Wala akong natanggap na sagot sa kanya kaya tumabi ako sa kanya at nilublob din ang paa ko sa tubig.

"What happened yesterday? Bigla ka na lang daw umuwi ng lasing na lasing, nagwala ka pagdating mo ayon kay manang." wala pa ding sagot. Nakatingin lang siya sa kawalan. Napabuntong hinanga na lang ako at pinagpatuloy ang pagsasalita.

"Hinanap kita kahapon nung nalaman kong hindi pa nakakauwi, sobrang nag aalala ako kase dapat mas mauuna ka pa sakin umuwi ganon din si manang"  still no response.

" Tinawagan ko kahapon si chris baka sakaling alam niya kung nasan ka pero Ang sabi niya akala niya na nakauwi ka na kase nakasalubong ka daw niya na papunta ka sa parking lot, sabi niya masama daw ang pakiramdam mo.  Tumulong din siya paghahanap sayo kase nagaalala din siya" 

Tumingin ako sa kanya na blangko pa din ang mga matang nakatingin sa kawalan.

" Are you done talking?"  mas malamig pa sa yelo ang boses niya. Hindi siya nakatingin sa akin pero alam kong ako ang tinatanong niya.

"Seriously Jean, anong nangyayare sayo?" mahinang saad ko.

Hindi siya sumagot, tumayo na siya at dire-diretsong naglakad papasok ng bahay, habang naiwan ako dito na nakatingin sa likod niyang papalayo sa akin.

Hinayaan ko na lang siya dahil sa tingin ko magsasabi din siya.

Pero lumipas ang mga araw, ganon pa din. Para lang akong kumakausap sa pader. Ang hirap ng sitwayon namin dahil parang ang layo namin sa isa't isa.

Alam kong ganun din si mom pero nananatili lang siyang tahimik dahil hinihintay niyang si Jean mismo ang magsasabi sa kanya.

Hanggang sa hinayaan ko na lang.

Hanggang ngayon ganun pa din siya, iniisip ko nga na baka sobrang bigat talaga ng pinagdadaanan niya. Pero hindi din sapat na dahilan yun eh,sana naiisip niya na may nag aalala din sa kanya katulad namin na pamilya niya.

Hindi rin namin siya nakakasabay sa pagkain, malungkot at hapag kainan at ganun din ang buong bahay.

Sabado ngayon at walang pasok,nakita ko siyang palabas ng bahay habang andito ako sa verenda ng kwarto ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang inaayos niya ang helmet niya. Pagkasakay niya,bahagya siyang lumingon sa pwesto ko pero binawi niya agad.

A chance to Love Where stories live. Discover now