CHAPTER 11

23 3 0
                                    

****

Pagkarating ko sa bahay dumiretyo agad ako sa kusina upang uminom ng tubig dahil medyo nauhaw ako sa byahe dahil natagalan kami sa traffic.

Tahimik ang buong  bahay 'mukang hindi pa makakauwi sila dad' sa isip isip ko.

Pagkatapos kong uminom ng tubig umakyat na ko papunta sa aking kwarto ng madaanan ko ang kwarto ni John. Naisipan kong pumasok muna para silipin kung natutulog na siya.

Dahan dahan kong pinihit ang pintuan at pumasok sa kanyang kwarto. Nakita ko siyang mahimbing na natutulog sa kanyang kama at bahagya akong napangiti dahil sobrang balot na balot siya ng kumot niya. Nakita ko din na yakap yakap niya yung unan na may muka ko. Pinasadya niyang gawin yan dahil gusto niyo daw kaseng kahit pagtulog kayakap ako. Ganyan niya ko kamahal ibang klase tawa ko sa isip ko.

Dahan dahan akong umupo sa gilid ng kama niya habang pinagpapasdan ang kanyang muka nq sarap na sarap matulog.


Hinaplos ko ang kanyang pisngi kaya naman bahagya siyang gumalaw at dahan dahan dumilat dahil siguro naramdaman niyang may humahaplos sa kanyang pisngi.

"Jean?" - takang tanong niya habang kinukusot kusot ang kanyang mata. Dahan dahan siyang bumangon sa kama niya at nginitian ako.

"Sorry nagising kita" - ako.

"Hindi okay lang, kanina pa kita hinihintay eh kaso nakatulog ako. Teka kumain kana ba?"- bahagya akong tumango.

" Kamusta pala ang lakad mo?" - tanong niya habang nakasandal sa headboard ng kama.

"Ayun hindi maayos." - nagtaka naman siya sa sagot ko.

" Bakit, anong nangyare. May ginawa ba sayo?"- nakakunot noong tanong niya.

" Hindi naman sa ganon, i mean walang nangyare kase hindi siya sumipot."- paliwanag ko.

" Wait. What?!"- may bahid na inis na tanong niya.

"Ewan ko basta may natanggap nalang akong text na hindi siya makakapunta, kaya umuwi nalang ako. "- saad ko.

" Pero mali pa din yung ginawa niya kase pinag intay ka niya ng ilang oras."- naiinis na sambit niya.

" Ano ka ba John, ayos lang ako at saka andito na naman ako oh." - natatawang sambit ko dahilan upang kumalma siya.

"Oh siya sige, pero once na makita ko yang lalaking yan makakatikim yan saken."- banta niya. Natawa nalang ako sa inasta niya.

" Ano ba Jean wag mo nga akong tawanan dyan nakakainis ka naman eh."- pagmamaktol niya kaya mas lalo akong napatawa.



Tumayo na lang ako para matulog na dahil baka hindi siya tumigil sa pagmamaktol niya.

"Sige na, sige na matutulog na ko, ikaw din matulog kana."- nakasimangot padin siya sa akin.

" Goodnight John"- humalik muna ako sa pisngi niya bago ako lumabas ng kwarto.

Naligo muna ako dahil kanina pa ako naiinitan sa damit na suot ko. Nahiga agad ako sa kama at doon kolang naramdaman ang pagod mag hapon. hayys sobrang daming nangyare ngayon araw,s siguradong hindi ako titigilan ng mga ulupong na yun sa isip isip ko. Sinilip ko muna ang aking cellphone dahil kanina pa ito tunog ng tunog.

Pagbukas ko ay sunod sunod na lumabas ang limang mensahe galing sa kanya.

From: Unknown number

****
I'm sorry again.

****
Take care. Tesoro.

****
Nakauwi kana ba?

****
Hey, I'm worried. Tesoro.

****
Just text me when you get home.

To: Unknown number

Tss.

***

Nagreply nako dahil baka hindi siya makatulog eh. Itinabi ko na ang aking cellphone at naghanda na matulog dahil may shooting kami bukas.


Itutuloy....

A chance to Love Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz