CHAPTER 45

29 1 0
                                    

***
JEAN'S POV

3 years later....

"Hi?" i greeted before putting the flowers I bought in his tombstone.

"It's been a while since I visit you." panimula ko sabay ngiti ng matipid. Umupo ako sa damuhan katabi ng puntod niya. Tinanggal ko ang mga dahon sa lapida niya. "Kamusta kana? I know that you are in a right place."


Sumimoy ang malamig na hangin at damang dama ko ang lamig noon sa aking balat. Tumingin ako sa langit at ngumiti. "I've missed you, Gio. Sayang no? We didn't end up together. But you know what? I've already moved on. I don't have feelings for you anymore. I know that it is too late to say sorry but i want to apologize for not staying by your side during your last operation. I didn't had a chance to visit you." malungkot na sabi ko.

Flashback

3 years ago....

Pagkarating ko sa lugar na sinabi ko ay nakita ko agad siyang nakaupo at sumimsim ng kape. Hindi niya ako napansin dahil mukang malalim ang iniisip niya at mukang malungkot siya.

"Kierra" she got back to her senses after calling her name. Tumayo agad siya at lumapit sa akin. Niyakap ko rin siya pabalik at ramdam na ramdam ko ang bigat ng paghinga niya dahil sa pagiyak. Hinagod ko ang likod niya at pinatahan siya.

I can't be mad at her. Kahit gustuhin kong magalit ay pinigilan ko ang sarili ko dahil wala ng maibabalik kapag nagalit ako sa kanya. Para na rin kay Gio. I decided to finally let him go. After knowing that they really love each other. I finally have the urge to end my feelings for him even if it's hard.

"Tahan na" Pag aalo ko sa kanya kaya mas lalo lang siyang humagulgol.

"I'm sorry Jean. I'm sorry for being a selfish btch. I just really love him." paulit ulit na hingi niya ng tawag kaya naman kumalas ako sa yakap namin at hinawakan siya sa magkabilang balikat. Nakita ko naman na hindi siya makatingin sa mga mata ko kaya inangat ko ang muka niya at pinunasan ang luha niya.

"I know. That's why i decided to talk to you. Kayo naman talaga ang unang nagkakilala. And I know that you have feelings for him before, I feel it Kierra I just ignore it. " sabi ko sa kanya at naiyak na naman siya kaya inupo ko muna siya sa inuupuan niya kanina.

"I came here to ask you if you are happy with him. But I can see the answer in your eyes. You are happy with him and I am happy for that." sabi ko sabay ngiti sa kanya para siguruhin na masaya talaga ako para sa kanila.


"Talaga? Hindi ka galit sa akin? I mean, i hide his situation."

"Ofcourse nagalit ako. But I realized that if you love someone, you will do everything. And besides, hindi na rin naman niya ako makikilala. And thank you for staying with him."

"Thankyou Jean. Sorry for everything I've done."

"It's all in the past now. And I want you promise me. Promise me that you will take care of him no matter what." pakiusap ko sa kanya. Kahit nasasaktan ako sa mga sinasabi ko ay pinili ko na lang na huwag ipakita sa kanya iyon.


Pagkatapos ng paguusap namin at nagpaalam na ako sa kanya. Umuwi na agad ako sa bahay para kausapin si dad. Pagkarating ko ay nakita ko sila ni mom sa sala at halatang problemado. Nang makita nila ako ay agad silang tumayo.


"Did you do it Jean?" nagtitimping tanong ni dad. I know what is he talking about. I nodded my head as an answer. Napahimalos na lang siya sa muka niya. Dinaluhan naman siya ni mom.


"You see, i'm so hurt right now. Hindi madali ang pinagdadaanan ko dad and I hope you understand. I'm not ready for those things. I can't settle myself on someone I don't love." hindi ko na namamalayan na tumulo na ang luha ko at huli na para punasan yon dahil nakita na rin nila. Tumingin ako sa kanilang dalawa. I slowly kneel in front of them. Shocked is evident in their eyes.

"I will do everything you want but not this one. I don't want to marry someone I don't really love, dad. Gustong gusto kong magsumbong sa inyo dahil hirap na hirap na ako. Sobrang hirap magpanggap na araw araw akong okay sa harap niyo." lumuluhang sabi ko habang nakaluhod sa harap nila.

Masakit pa rin pala.



"Dad, mahal na mahal ko si Gio. 5 years siyang nawala sa akin, pero pagbalik niya hindi ko alam na hindi na pala talaga siya babalik sa akin. Araw araw hinihintay ko siya. Umaasa ako na babalik siya dahil alam kong gagawin niya yon. Pero alam mo Yung masakit dad? Bumalik siya pero hindi para sa akin. He can't remember me anymore."

Tumingin ako sa kanila at nakita kong umiiyak si mommy habang si daddy naman ay nakakuyom ang kamao at naluluhang nakatingin sa akin.



"Kaya sana pagbigyan mo akong lumayo muna dad. Gustong gusto kong takasan lahat to. I promise that I will do everything you want me to do."



Napayuko ako dahil nagsisimula na akong humikbi. Nagulat naman ako ng may kamay na humawak sa mga balikat ko at inalalayan akong tumayo. Nakita ko si daddy na nagpupunas ng luha. Pinunasan niya rin ang mga luha ko at niyakap ako ng mahigpit.


"I'm sorry anak. Hindi ko namamalayan na nasasaktan ka na pero heto ako at pinipilit ka sa bagay na ayaw mo. Hindi ko iniisip ang mararamdaman sa bawat desisyon na bibitawan ko." sabi niya at mas niyakap ako ng mahigpit.


Dinala niya ako sa kwarto at inalalayan akong humiga sa kama. Nakatingin lang ako sa kanya habang nilalagyan niya ako ng kumot. Pinagmamasdan lang kami ni mommy at hindi pinapakailaman si daddy sa ginagawa niya.

"Take a rest. We will talk tomorrow." sabi ni dad sabay halik sa noo ko. Napapikit naman ako dahil tila maiiyak na naman ako.


***

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A chance to Love Where stories live. Discover now