CHAPTER 17

17 2 0
                                    

*****

JOHN'S POV

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon kaya literal na parang huminto ang buong paligid ko. Napaitlag na lang ako ng marinig ko ang mga bumubusinang sasakyan sa likod.


*Beeeep, beeep* "


Itinabi ko muna ang aking sasakyan dahil nakaharang na ako sa daan, hindi napansin na umusad na pala ang traffic dahil masyadong natutok ang atensyon ko kila Kiera at sa kasama niya.Pinagisipan ko muna kung bababa ako sa sasakyan o hindi nalang. Ayoko naman sila abalahin pa kaya napagpasyahan ko na lang pumunta sa isang park para magpahangin.



Nang makarating ako duon itinabi ko agad sa gilid ang aking sasakyan at bumaba na at naglakad lakad. Umupo muna ako sa isang bench doon at tinignan ang mga taong nandoon sa park. Hindi pa din mawala sa isip ko ang nakita ko kanina, hindi ako pwedeng dayain ng mata ko dahil kitang kita talaga ng dalawang mata ko na siya yun. Pero ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit magkasama sila ni Kiera. Hindi ko alam kung anong meron sa kanila ngayon pero isa lang ang inaalala ko.Si Jean.Napasapo na lang ako sa noo ng maalala ko si Jean,siya ang sobrang maapektuhan dito,ayoko ng makita siyang nasasaktan at baka tuluyan na siyang nagbago.


JEAN'S POV

Nagising ako ng maramdaman kong may nakatingin sa akin habang natutulog, tumingin ako sa bintana at nakita kong medyo padilim na.Tinignan ko si John na nasa gilid ng kama ko at nakaupo. Bumangon na ako at sumandal sa headboard ng kama at tinignan siyang parang problemadong problemado. Napansin kong medyo malalim ang iniisip niya kaya pinilintik ko ang daliri ko sa harap niya.

"Hey, problema mo?" nakataas na kilay kong tanong. Napaayos naman siya ng upo at lumingo lingo bilang sagot niya.

"Wala naman" sagot niya,pero hindi din ako kumbinsido sa nakikita ko sa muka niya.

"Okay,kung hindi mo sasabihin sa akin kung ano man yang problema mo ikaw bahala" hinawakan ko ang balikat niya at bahagya itong pinisil. Tuluyan na akong bumangot at nagtungo sa banyo para maligo. Pero bago yun nakita kong ilang beses na napapabuntong hininga si John 'hmm I wonder what's his problem' hinayaan ko na lang siya doon dahil alam ko namang magsasabi din siya sa akin kapag handa na siya.

Mahigit trenta minutos akong nagbabad sa banyo dahil iniisip ko din kung anong problema ni john.Nang matapos ako sinuot ko na ang bathrobe ko at pagkalabas ko ng banyo hindi kona naabutan pa si John. Pagkabihis ko lumabas na ako ng kwarto at bumaba na para kumain.

Pagkababa ko naabutan ko sila mom at dad na nagsisimula ng kumain. Tumingin naman agad sila sa akin nung nakita nila akong pababa habang may nakasabit na tuwalya sa leeg at nagpapatuyo ng basa kong buhok.

"Baby, halika na dito kain na tayo" yaya sa akin ni mommy kaya tipid lang akong ngumiti at tumango.Humalik ako sa pisngi niya ng makalapit ako,tumango lang sa akin si dad at sinabihang umupo na kaya umupo na ako at nagsimula ng kumain,napansin kong wala si John kaya nagtanong ako kay mom kung nasan siya. Huminto naman siya sa pagkain niya at humarap sa akin.


"Nasa kwarto niya anak,busog daw siya kaya hindi siya sumabay kumain" sabi niya kaya tumango tango lang ako at pinagpatuloy na ang pagkain. Napatingin ako kay dad ng bigla siyang tumikhim.

"How was your meeting with your Fiance?" tanong niya habang nasa pagkain ang tingin,alam kong ako ang tinatanong niya dahil hindi naman magsasalita yung pagkain,bahagya akong natawa sa kalokohan ko sa isip kaya napaangat ang tingin niya sa akin. Umayos ako ng upo at sinagot ang tanong niya.


"Hindi po siya dumating gaya ng sinabi niyong makikipagkita ako sa kanya" walang emosyon kong salita kaya nakita kong tumango tango lang siya tinuloy ang pagkain kaya napataas ako ng kilay.

"Must've been important" bulong niya ng hindi nakatakas sa pandinig ko. Kaya medyo naiinis ako sa kanya dahil parang ayos lang sa kanya na naghintay ako doon ng halos apat na oras.


"Dad,is it okay with you that i waited for him for almost 4 hours?" medyo naiinis kong tanong at nagkibit balikat lang siya bilang sagot kaya napakuyom ako ng kamao,hinawakan naman ni mom ang kamay ko para pakalmahin ako. Tumayo na lang ako at nagsabing tapos na ako kumain kahit ang totoo ay nawalan ako ng gana,umakyat na lang ako sa kwarto ko at nilock ang pinto.

*****
zachyyy


A chance to Love Where stories live. Discover now