Chapter 1: The Leftovers

3.8K 79 21
                                    



** Third Person's POV

Pasuray-suray na naglakad papalapit sa bar area si Ziri at umupo. Pagod na pagod siya sa pakikipag-sayawan niya sa iba't-ibang lalaki na naroon sa dance floor ng bar. Ito ang unang beses na gawin niya ang ganitong klase ng gimik. Gusto niya lang ilabas ang stress niya sa trabaho. Wala na siyang social life kaya naman gusto niyang ienjoy ang isang linggong leave na ginawa niya sa trabaho.

"Tequila." Senyas niya sa gwapong bartender.

Napa-ngisi si Ziri. Matagal na rin siyang single. Si Nico ang huli niya. Siguro panahon na ngayon para maghanap na siya ng bagong boyfriend. Afterall, hindi na rin naman siya pabata. She's 26 now and sooner or later mapaglilipasan na siya ng panahon.

"Here's your drink, ma'am." Nakangiting sabi nung bartender.

"Thanks. You know, you're the cutest bartender I've ever seen." Ziri smirked.

"Thanks, Miss." Nakangiting sagot naman ng bartender.

"I'm not gonna waste my time with that bartender if I were you." Bulong sa kanya ng isang lalaki mula sa likuran niya.

  Humarap siya dito at napa-kunot ang noo niya dahil pamilyar sa kanya ang lalaking ito.

"Wait. Kilala kita!" Biglang sabi ni Ziri nang makilala ang lalaking ito

  Nagulat din naman ang lalaki nang humarap si Ziri sa kanya. Hindi niya rin

kasi inakala na kilala niya ito.

"Ziri?" Natatawang sabi ng lalaki.

"Yes. Gosh. It's been six years. Kamusta ka na, Jaron?" Masayang tanong ni Ziri dahil hindi niya talaga inakala na magkikita pa sila ni Jaron matapos ng nangyari.

"And this is actually the first time we talk to each other." Sagot naman ni Jaron.

   Napa-isip ng kaunti si Ziri at na-realize niyang tama nga si Jaron. Never pa silang nag-usap kaya nakakagulat na dito pa sila nagkita at nagka-usap.

"Well, siguro dahil wala naman tayong dapat na pag-usapan noon, right?" Sagot naman ni Ziri sa kanya.

"Hi babe." Biglang may lalaking dumating at nagulat si Ziri dahil dito.

   Lumapit kasi ang lalaki sa bartender na kanina lang ay gustong i-flirt ni Ziri. Naghalikan ang dalawang lalaki sa harap nila ni Jaron. Biglang napatingin si Ziri kay Jaron at natawa ng mahina.

"See? I told you." Natatawa ring sabi ni Jaron sa kanya.

"Madalas ka dito?"  Tanong ni Ziri.

"Medyo." Kibit balikat na sagot naman ni Jaron.

   Sandali silang natahimik. Pareho lang silang nakatingin sa mga tao na nagsasayawan sa dancefloor. Wala na silang maisip na sasabihin sa bawat isa dahil hindi naman talaga sila magkakilala at ngayon lang sila nag-usap.

"Nagkita na ba kayo ulit ni Riya eversince the incident?"  Biglang tanong ni Jaron.

   Ngumiti lang si Ziri at umiling. Pare-pareho lang silang walang alam kung nasaan na si Riya ngayon.

"Hindi na siya nagparamdam sa amin mula nung bigla nalang siyang nawala. Pati parents niya at si ate Cairah ay wala na ring balita sa kanya." Makabuluhang sabi ni Ziri.

"She must be really hurt."

"Nawalan siya ng anak, Jaron. Nasa kanya lahat ng dahilan para umalis."

Loved By A Gangster: Healed by Time (Book 3)Where stories live. Discover now