Chapter 6: The Past and the Present

843 19 9
                                    

**Third Person POV

     Tahimik na ininom ni KJ ang juice na naserve sa kanya ni Leslie. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. Unang-una, magkasama si Riya at Leslie. Pangalawa, kasama niya silang dalawa. At ang huli, buhay ang anak ni Riya at Lance.

   Habang tahimik ang lahat at walang imik na nagtitinginan, si Laurent naman ay nakatitig lang kay KJ. 'Tila ba kinikilala niya ito. Walang kahit anong alam si Laurent kung sino si KJ. Hindi kasi hinayaan ni Riya na magkaroon pa ng koneksyon sa kahit kanino sa kanila ang anak niya. Ngunit hindi na niya ito maiiwasan ngayon.

"Who are you?" tanong ni Laurent kay KJ habang nakatayo malapit sa kinauupuan niya. 

    Ngumiti si KJ kay Laurent at nilapitan niya ito agad. Inabot niya ang kanyang kamay para makipag-shake hands dito.

"Hi. I'm your Tito Jaron. Your mom calls me KJ, I am your da----"

"KJ!" Sigaw ni Cahriya.

   Biglang napatingin sina Laurent at KJ ng sabay kay Cahriya dahil sa pagsigaw nito. Matalim ang tingin nito kay KJ na para bang nakagawa ito ng napaka-tinding kasalanan sa kanya.

   Mabilis na lumapit si Cahriya sa kanilang dalawa at hinila palayo si Laurent kay KJ. Halata sa kanya ang inis. Hindi malaman ni KJ kung ano ang dahilan ng biglang pag-akto ng kakaiba ni Cahriya. Ayaw ba nitong kausapin niya ang anak nila ni Lance? Wala naman siyang kung anong binabalak sa bata. Nais niya lamang itong makilala at maka-usap.

    Nilapitan ni Leslie si KJ at siya naman ang hinila nito palabas ng bahay niya. Tinignan muna siya nito ng matiim bago siya nito kinausap  ng masinsinan.

"What do you think you're doing plow head!" inis na sai ni Leslie kay Jaron na walang alam sa kasalanang ginawa niya.

"Bakit ba? Ano nanaman bang ginawa ko?" naguguluhang tanong nito.

"Sasabihin mo sa bata na kilala mo ang daddy niya? Alam mo ba kung gaano nahirapan si Cahriya na itago kay Laurent na may daddy pa siya? Tapos bigla mo nalang sasabihin yun sa kanya?" 

    Hindi makasagot si Jaron. Ngayon niya lang na-realize ang ginawa niya. Naging insensitive siya na dapat ay sasabihin niyang siya ang bestfriend ng Daddy ng bata. Hindi niya naisip kung gaano maguguluhan ang bata kapag nalaman niya ang mga bagay na iyon at kung paano masasaktan si Riya. Eto nga lang na pagkikita nilang muli matapos ng anim na taon ay nakapag-pagulo na sa sitwasyon ni Riya. 

"I'm sorry." Yun nalang ang tanging nasabi ni Jaron. 

  Iiling-iling na tumingin si Leslie sa kanya at inangasan siya ulit nito. 

"Cahriya, has been through a lot of pain ever since. Si Laurent nalang ang dahilan kung bakit buhay siya. Sa dami ng nangyari sa inyo noon, hinding-hindi na niya pipiliin na bumalik pa. Hindi siya bumalik dito para sa inyo, trabaho lang kaya siya ulit naligaw dito. Kaya sana, wag mo ng iparating sa kaibigan mo kung ano ang mga nalalaman mo," huminga ng malalim si Leslie na parang kumuha ulit ng lakas para sa mga salitang kanya pang sasabihin, "Kung talagang mahalaga si Cahriya sayo, ikaw na mismo yung lumayo sa kanya. Hindi na mabuti kung magku-krus pa ulit yung mga landas ninyo."

  Wala ng nasagot pa si Jaron sa kanya. Ni hindi na siya nagsubok pa na sumagot. Naglakad na palayo si Leslie at bumalik na sa bahay.  Tumalikod na rin si Jaron at umalis na sa lugar na iyon. Naiintindihan ni Jaron ang lahat ng sinabi ni Leslie. Sa katunayan, hindi niya inaasahan na papansinin pa siya ni Riya nang magkita sila sa airport.  Wala na siyang intensyon pa na manggulo sa buhay ni Riya. Kahit pa na sobrang saya niya dahil nakita niya itong muli, wala na siyang dahilan para magkita pa ulit silang dalawa.

***

    Abala ang lahat sa gaganaping fashion week ng isang sikat na clothing line sa London. Makikita ang mga abalang fashion designers at models na nagkalat sa buong SMX Convention Center. Isa na dito ang napaka-gandang si Sabrina. Ang supermodel na hinahangaan ng lahat.

"Ms. Sabrina, may nagpapabigay po." Sabi ng isang staff organizer ng event habang inaabot ang isang bouquet ng bulaklak.

"Oh thank you. Who is it from?" nakangiting tanong naman nito.

"Inabot lang po nung guy na yun oh." Sabay itinuro nito ang lalaking naka-black polo shirt at may suot na shades. Pirmi lang itong nakatayo sa habang nakatingin sa malayo. Mukhang malalim nanaman ang iniisip nito.

   Masayang naglakad si Sabrina papunta sa kanya. Medyo matagal na kasi nung huli silang nagkita kaya naman miss na miss na niya ito.

"Bakit hindi ka tumawag? I missed you so much!"

   Kumapit agad si Sabrina sa braso nito at isinandal ang ulo sa kanyang balikat. Sandali silang nanatili sa ganoong posisyon. Matapos ng ilang minuto ay gumalaw si Lance at inakbayan si Sabrina.

"Why'd you keep on loving me?" Lance ask.

"You deserve to be loved, Lance."

"Thank you, Sab."

Binigyan ni Lance ng halik sa noo si Sabrina bago siya umalis. Nagpaalam siya dito dahil mayroon daw itong mahalagang bagay na kailangang ayusin. Si Sabrina naman ay pinagpatuloy na lamang ang kanyang ginagawa, naghahanda rin kasi sila para sa pagdating ng designer galing sa London.

***

   Isang linggo na ang nakakaraan mula nang bumalik sila Riya sa Pinas. At ngayong araw na ito magsisimula ang kanyang trabaho.

   Tahimik lamang siyang nagmamasid sa mga models na rumarampa sa stage. Tinitignan niya kung tama ba ang ginagawa nilang galaw para sa mga damit na ginawa niya. At hindi naman siya nagkamali, magagaling ang mga models lalo na ang star model nilang si Sabrina.

  Pumalakpak agad si Riya nang matapos ang huling set ng para sa practice nila. Pinagtinginan siya ng mga tao doon na halos ay hindi siya kilala. Ang baklang head organizer lamang ang nakakilala sa kanya kaya siya ang unang lumapit dito.

"Oh my gosh! Ms. Monique!" Agad na bulalas nito.

   Nagulat ang lahat nang banggitin niya ang pangalan nito. Silang lahat ay napalapit din kay Riya upang mausisa at makilala siya.

"Welcome to the Philippines, Ms. Monique."

"It's so nice to finally meet you!"

  Lahat sila ay binati si Riya. Malugod niya namang binati din silang lahat. At habang nagpapakilala ang mga staff sa kanya, may isang modelo na nagmamadaling makalapit sa kanya. Ni hindi niya pa nagawang makapag-palit muna kaya ang summer wear na ipinang-rampa niya pa rin ang suot niya nang makalapit siya kay Riya.

"Ms. Monique! Omg! I'm a huge fan!" Excited na sabi ng modelo habang hawak ang kamay ni Riya.

Ngumiti si Riya at masayang sinagot ang modelo, "Thank you! I'm a fan too. Ang galing galing mo kanina. What's your name by the way?"

"I'm Sabrina Fuentes."

"Nice to meet you, Sabrina."

Loved By A Gangster: Healed by Time (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon